Malungkot ang award winning veteran actor na si Tommy Abuel nang maka-chika ko kahapon over the phone.
Nabasa raw kasi niya ang guidelines na inilabas ng IGAP (Inter-Guild Alliance Protocols) at FDCP (Film Development Council of the Philippines).
Particular na kinalulungkot niya ang naka-specify sa guidelines ng FDCP na VULNERABLE WORKERS : “A. For any person below twenty-one (21) years old, more than sixty (60) years old, or of any age with co-morbidities or pre-existing illness, i.e., hypertension, diabetes, cancer, or with immunocompromised health status; or with a high-risk pregnancy, producers are highly discouraged from allowing these workers to work on-set.” na ang ibig sabihin ay laglag na sila para magtrabaho oras na puwede na uling magkaroon ng mass gathering.
“Barya-barya na nga lang ang kinikita namin, mawawalan pa kami ng trabaho. Maawa naman kayo sa amin,” pahayag ni Sir Tommy na matagal naming nakasama sa Cinema Evaluation Board (CEB) bilang board member.
“Lalo pa ngayong kailangang-kailangan namin,” he added.
Ang masakit para sa kanya, dahil nga senior star na sila, barya-barya na lang nga ang talent fee mawawala pa “we can no longer demand now, kung magkano na lang ibigay sa amin, tatanggalan pa kami ng trabaho.”
Hindi naman daw siya tulad ng ibang senior na malaki ang talent fee or level nila Dingdong Dantes. “Very detrimental ito for senior actors. Baka nalilimutan nilang maraming seniors na kailangang magtrabaho lalo na ngayon,” dagdag pa ni Sir Tommy na isa talaga sa pinaka-mahusay na actor nung kapanahunan niya. “Very discriminatory ito for seniors and minors. Ang daming senior stars na mawawalan ng trabaho kung ganun ang magiging attitude nila.”
Kaya naman matindi ang objection niya sa nasabing sa guidelines ng FDCP.
Sinasabi ngang vulnerable workers ang seniors bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus sakaling ma-activate na uli ang tapings and shootings.
Anyway, isa pang natawa si Sir Tommy sa nabasa niyang guidelines ng FDCP at IGAP ay ang body temperature.
Sa FDCP daw ay 37.5 at sa IGAP ay 38, saka lang pauuwiin.
Maging sa number of working hours ay naguluhan daw siya.
Ang Better Woman starring Derek Ramsay and Andrea Torres ang last TV project ni Sir Tommy.
Hindi pa alam kung aling guidelines ang susundin ng mga production company sa pag-uumpisa ng normal sa June.
Pero sana nga ay pakinggan ang objection ni Sir Tommy dahil totoo naman na paano na lang ang senior stars?
Kabilang sa mga ‘di malilimutang pelikula ni Sir Tommy ang Sa Kuko Ng Agila, Bakit Manipis Ang Ulap at marami pang iba.