Pamilya Villar hindi nakakalimot

Villar Family
STAR/ File

Alam n’yo ba na 27 years ko nang kilala ang mga Villar dahil nung Congressman pa lang si former Senator Manny Villar nakilala ko sila dahil kinuha nilang endorser ng isang rural bank si Lani Mercado? At dun ko na meet si Ditas Magno, ang corporate secretary nila nung time na ‘yun.

Pagkatapos noon ay naging part na ako ng media connect nila, at si Avec Amarillo na ang pumalit kay Ditas na nasa US na sa kasalukuyan. At umpisa noon hanggang ngayon, feeling ko part ako ng Villar family.

Mula kay Senator Manny, Cynthia, DPWH Secretary Mark at ngayon kay Congresswoman Camille. Hindi ko lang ka-chica si Paolo dahil hindi siya nakikihalo sa pulitika o dahil mahiyain siya.

Every Christmas at birthday ko lagi nila akong naalala, at dahil very competent si Avec, lahat ng dapat sa PR alam at ginagawa niya. Very proud ako na kilala at nakakausap ko ang isa sa pinaka-mayaman at pinaka-mabait na pamilya sa Pilipinas.

At lagi na sasabihin ko, ang pinaka-competent staff sa lahat, si Avec, Nini Rubia-Enrique at Anna Mae Yu Lamentillo. Thanks.

‘Thank you God’

Woke up feeling melan-cholic yesterday. So happy reading all the birthday messages from friends who remembered.

So thankful reaching the age of 73 and still up and feeling right.

So many things to be thankful to God, so many things to be grateful for in life.

Just to be given the chance to see all these things happening around you, is already a blessing. I love you God, thank you.

OFWs na naka-quarantine, parang nakakaawa na

Nakakaawa naman iyon mga OFW na hanggang ngayon naka-quarantine pa rin sa mga hotel at dorm. Kung walang problema, pauwiin na sana sila, tiyak na sabik na silang makita ang pamilya nila. Para silang case ng so near, yet so far. Umuwi na ng Pinas, nandito na pero nasa quarantine pa rin at hindi makita ang pamilya.

Parang unfair naman iyon. Totoo na dapat maging sure sa health condition nila, pero sana bilisan at pag ok na at nag-negative sa covid test, ihatid na sila sa kanilang uuwian. Iyon kasabikan nila na makita ang pamilya, plus iyon pag-aalala ng pamilya nila. Kaya hindi kataka-taka na iyon iba tumatakas sa quarantine facilities. Sana maayos ito.

Show comments