Nakarating na hanggang Malacañang ang ‘law of classroom’ ni Kim Chiu. Yes bongga si Kim. Pati si Presidential Spokesperson Harry Roque ‘ginamit’ na siya.
“Sabi nga ng isang nag viral na post at alam ko naman kung kilala niyo kung sino siya. Bawal lumabas pero kapag nag comply ka at inayos ninyo, mag obserba ng proper hygiene, tulad ng paghugas ng kamay, pag susuot ng face mask or face shield at pagsunod sa social distancing at iba pang health protocols, mapapa-flatten natin ang curve at yung bawal lumabas ay magiging pwede nang lumabas,” pahayag ni Atty. Roque sa ginanap na virtual presser kahapon.
Super trending nga ang naging statement ni Kim sa Laban, Kapamilya event last May 8 tungkol sa classroom kung saan kahit daw naman siya ay nalito sa pinagsasabi niya. “Sa classroom may batas. Bawal lumabas. O bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nagcomply ka na bawal lumabas, pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo ulit, ay pwede na pala ikaw lumabas.”
Hahaha. Sosyal si Kim. Ngayon gamit na gamit siya pag nagre-remind ang mga tao na ‘sabi ni Kim, bawal lumabas.’
Eh ayaw papigil ng mga tao sa paglabas ha since Saturday nang ipatupad na ang modified enhanced community quarantine.