^

PSN Showbiz

Roque nag-'ala Kim Chiu' sa pagpapaalala ng quarantine measures

James Relativo - Philstar.com
Roque nag-'ala Kim Chiu' sa pagpapaalala ng quarantine measures
Makikita sa litrato ang press briefing ni presidential spokesperson Harry Roque (kaliwa) at viral ng "sa classroom may batas" ni Kim Chiu (kanan).
Video grab mula sa RTVM at Xavier Tubianosa

MANILA, Philippines — Tila chinannel ng Malacañang ang kanilang "inner-Kim Chiu" ngayong araw matapos gamitin ni presidential spokesperson ang viral video ng aktres sa pagdidiin ng lockdown measures kontra coronavirus disease (COVID-19).

Kumakalat kasi ngayon ang video ni Kim — na nagpa-kamot ulo ng marami — kasabay ng mas maluwang na modified community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) na ipinatutupad ngayon.

"Sabi nga ng isang nag-viral na post, at alam ko naman kilala niyo kung sino siya: bawal lumabas," sabi ni Roque, Lunes, sa isang virtual briefing.

"Pero kapag nag-comply ka, at inayos niyo mag-obserba ng proper hygiene, tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask or face shield, at pagsunod sa social distancing at iba pang protocols, mafa-flatten natin ang curve... 'yung bawal lumabas ay magiging pwede na lumabas."

Kanina lang nang maitala ang pagbuhos ng maraming motorista sa kalsada, kasabay na rin nang pagbabalik operasyon ng ilang negosyo matapos isara ng halos dalawang buwan. 

Nagsitunguhan naman sa mga mall noong Sabado't linggo ang mga tao, dahilan para ipasara ito ni Cavite Gov. Jonvic Remulla. Hindi raw kasi nasusunod ang social distancing.

Pero paalala ni Roque, community quarantine pa rin ang ibig sabihin ng "CQ" sa MECQ at GCQ, kung kaya't dapat pa ring mag-ingat sa COVID-19.

'Sa classroom may batas'

Linggo na ang nakalilipas nang mag-trending ang video ni Kim Chiu, na kanyang sinabi kaugnay ng pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

Aniya, sumusunod naman sa batas ang ABS-CBN kung kaya't hindi raw dapat naipasara. Nag-expire kasi ang prangkisa ng kumpanya matapos hindi aksyunan ng Kamara ang mahigit isang dosenang panukala para sa franchise renewal ng Kapamilya Network.

"Ang classroom ay may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal na lumabas," sabi ni Kim sa kanyang video, bagay na hindi naintindihan ng marami.

"Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom nyo at sinubmit mo ulit at pwede na pala ikaw lumabas."

Dumudulong din ngayon si Kim sa NTC para bawiin na ang ipinataw na cease and desist order, para hayaang mamahayag at magbalik sa ere ang ABS-CBN.

Una nang naibalita na halos 11,000 empleyado't manggagawa ng kumpanya ang maaapektuhan kung tuluyang ipasasara ang dambuhalang media network.

Aminado naman si Kim na natawa na rin siya sa sinabi niya tungkol sa "classroom," na ginawan na ng meme at remix ng mga netizens.

"Hahaha nagising ako na trending na pala ako! Okay po," sabi ng aktres.

"Hahah natawa nalang ako sa sinabi kong about classroom. Nadala lang ng emosyon. Sensya na."

Dinepensahan na rin nina Christopher de Leon, boyfriend na si Xian Lim at iba pa ang sinabi ng aktres, lalo na't ipinaglalaban lang daw niya ang karapatan ng ABS-CBN. Wala rin daw perpekto ngunit tiyak na tatayo raw uli ang aktres sa gitna ng kontrobersya. — may mga ulat mula sa The STAR

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

HARRY ROQUE

KIM CHIU

LOCKDOWN

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with