Naku ha, at least lahat ng movies ng iba’t ibang Asian countries napanood ko na sa Red channel ng HBO. Meron Chinese, Indian, Japanese, Malaysian, Indonesian at Korean.
Bongga rin pala ang mga pelikula ng Vietnamese dahil madrama rin. Para tuloy na-miss ko ang mga Asian filmfest na ginagawa nun bago pa akong showbiz reporter.
Iyon pumupuntang mga star natin sa Hong Kong para mag-attend ng film festival doon at nakiki-chica chica sa ibang mga star ng ibang countries. Sosyal na sosyal nun ang Pilipinas dahil madalas tayo ang nananalo, parang that time mas nauuna at mas mahusay tayo sa film making. At ang gaganda nila Charito Solis, Gloria Romero, Amalia Fuentes at Susan Roces katabi ng ibang actress.
Bongga. Iyon talaga ang golden days ng Philippine cinema. Unforgettable. Now tinalbugan na tayo ng Korea ha, sayang.
Dahil sa pandemic, pagdarasal ngayon mas malalim na
Ewan ko ba Salve kung bakit masyado ako naging emosyonal nang magsimba ako kahapon ng umaga.Pumayag magbukas ang simbahan namin sa subdivision pero bilang ang tao na pinapasok.
Parang disoriented pa ako pagpasok at sa ibang upuan ako napaupo, hindi sa dati kong puwesto.
Ewan ko kung bakit nang kantahin ang Sapagkat Diyos ay Pag-ibig at ang Ama Namin, tumulo ang luha ko.
Parang punung-puno ang puso ko, fear, gratefulness, love. I go to mass every Sunday, I pray pero parang routine lang, iyon alam mo na dapat mong gawin, pero now, parang meron deeper meaning ang dasal mo, parang talagang iyong ipinagdarasal mo alam mo na may nakikinig, parang alam mo na hindi ka nag-iisa dahil meron tutulong sa iyo.
Siguro nga dahil nakita natin how lucky we are, ngayon ay iba na ang pagbibigay mo ng pasasalamat.
So grateful and thankful. God, you are always good, make me worthy of all your blessings. Thank you.