Kahit good for five months lang ang provisional franchise ng House of Representatives, malugod na tinatanggap ng network ang pag-apruba sa House Bill 6732 ng House of Representatives Committee of the Whole na nagbibigay ng provisional franchise to operate hanggang Oktubre 2020.
“Nagpapasalamat kami sa liderato ng Kongreso at sa mga sponsor ng bill, sa pangunguna nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, sa kanilang pagkilala sa aming pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan pagdating sa balita, impormasyon, entertainment, at serbisyong publiko sa kritikal na panahon ngayon.
“Handa kaming sumailalim sa proseso ng franchise renewal at sagutin ang mga isyung nabanggit laban sa network, sa mga may-ari, sa management, at mga empleyado.
“Nananatili kaming bukas sa mga opinyon at suhestyon na nakakatulong para mas mapabuti pa ang aming organisasyon at paglilingkod sa sambayanang Pilipino,” ang bahagi ng statement ng Network.
Nagpasalamat din sila sa lahat ng mga artistang nagpahayag ng kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa kumpanya habang ito ay dumadaan sa isang matinding pagsubok.
“Buong puso at tapang ninyong ibinahagi at ipinadama ang inyong mga saloobin kahit alam ninyong hindi lahat ay maaaring sumang-ayon sa inyo. Dama namin ang inyong pagmamahal hindi lang para sa ating tahanan at mga kasamahan sa industriya, ngunit para rin sa ating mga kababayang ating pinaglilingkuran.
“Nirerespeto namin ang opinyon ng iba’t ibang tao, kahit na sumasalungat sa aming pananaw o ng aming mga artista, ngunit hindi kailangang gumamit ng masasakit na salita, mag-insulto, o magkalat ng kasinungalingan. Sana ay respeto at pag-unawa sa kapwa ang pairalin natin lalo na sa panahon ngayon.”
Samantala, tuloy ang pagtatanggol ng mga kaibigan ni Kim Chiu sa pamba-bash sa kanya sa issue ng ‘classroom’ sa Laban, Kapamilya event.
Isa pa naman si Kim kung tutuusin sa mga unang Kapamilya stars na namigay ng relief goods sa kalapit barangay niya.
Anyway, ayon sa sister niyang si Ate Kam, ok naman si Kim at hindi naman apektado ng matinding bashing at kabi-kabilang memes na as if ang perfect nila. “ok nman cya ate, dito nman kami lahat ng kapatid at pamangkin namin sa bahay complte kami kaya hndi cya lonely.”
Kasama nga nga napuruhan na mga masasakit na salita sina Coco Martin and Kim nga na ayaw talagang tigilan ng mga netizens.
Pero aminin din ng network na may mga pinasikat silang nag-playing safe.