Panonood ng TV, malaki ang nagawa sa lockdown!
Dahil nga nasa bahay Salve, most of the time ay iyong TV talaga ang pampalipas oras ko. Iyong news na lagi kong pinanonood dahil dapat malaman ko ang balita sa labas, at iyon mga old movie at mga palabas sa cable.
Dito ko napansin na merong movies na mas maganda sa second viewing, meron naman hindi worth na panoorin mo uli at merong artista na madi-discover mo na mahusay pala at mas maganda habang lagi mong pinapanood.
Hay naku, the magic of tv, malaking tulong siya sa lockdown ha, kung wala ang TV, wow blank na blank na ang mundo mo sa loob ng bahay.
Forever na solusyon
We consider ourselves lucky na may access tayo sa mga tao na puwedeng hingan ng tulong sa mga panahon na tulad nito.
Pero sa panonood ko ng news, talagang maaawa ka sa mga humihingi ng tulong na hindi alam kung sino ang lalapitan.
Totoo na nakakainis kung minsan iyong mga combative at parang entitled na humihingi ng tulong, pero siguro nga ganoon sila dahil parang nawawalan na sila ng pag-asa.
Poverty can make a monster out of a meek and quiet man. At ngayon ko lang nakita iyon grabeng sitwasyon sa mga lugar kung saan sila nakatira. Paano nagkakasya sa isang ganoon kaliit na kuwarto ang isang pamilya na siyam ang miyembro.
How can cities with big buildings, shopping malls, meron ganitong mga bahay na nakasingit sa gitna nila? Kung makikita mo ito, matatahimik ba iyon utak mo habang nasa itaas ka ng bahay mo?
Ayoko ko nang isipin iyon city planning, o iyon social conscience, dahil mukha naman hanggang lumaki ang mga apo natin Salve, ito pa rin ang problema.
Kailangan talaga natin magkaroon ng isang leader na mabibigyan ito ng permanenteng solusyon, hindi lang iyon facade, iyon talagang hanggang core.
- Latest