Sa sobrang payat daw Bianca kinumpara sa tricycle driver na nawalan ng pasada

Bianca

MANILA, Philippines — Ang lupit talaga ng mga nasa bahay lang at abala sa social media habang may extended enhanced community quarantine.

Ang latest victim nila, si Bianca Gonzales nang i-post niya ang #LabanKapamilya photo niya.
Sabi ng isang follower ni Bianca : “Parang kawawa pa kayo sa tricyle driver maam na walang pasada.”

Bukod dun, marami pang ibang panlalait na tinanggap ang TV host / influencer. As in sobra-sobra ang body shaming ng nasabing photo ni Bianca na kesyo parang wala na raw siyang makain.

Kaya naman bumuwelta si Bianca : “Not sure what is worse: being fat-shamed or being skinny-shamed. Kapag itsura mo na ang tinitira nila, maawa ka nalang sa kanila, kasi humantong na sila sa ganung kababang lebel para lang sayo. Sa lahat ng mga nag-komento na maayos at may respeto, agree man o hindi sa post, sana’y dumami pa and tulad ninyo.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Show comments