Toni, balik na sa pagho-host

Toni

Noong Linggo ng gabi ay nagsimula na ang pinakabagong programa ni Toni Gonzaga na I Feel U. Mapapanood na tuwing Linggo ang naturang online show sa Facebook pages ng ABS-CBN Films, TFC Online, ABS-CBN Music at One Music PH.

Masayang-masaya si Toni dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng Kapamilya network na magbigay ng kasiyahan para sa mga milyung-milyong manonood. “Sabi ko parang maganda nga ‘yung mga may ganyang tayong programa para hindi naman puro depressing na mga balita ang napapanood natin. Kasi may pinagdadaanan na tayong pandemic tapos ‘yung mapapanood pa natin puro mga nakakalungkot na balita. Parang maganda naman na let’s look at the other side na positive pa rin. May Magaganda pa ring nangyayari kahit na may pinagdadaanang pagsubok ang ating bansa,” pahayag ni Toni.

Para sa aktres ay ang bagong programa ang muling magsisilbing koneksyon hindi lamang sa mga masugid na manonood sa Pilipinas kundi maging sa mga Pilipinong manggagawa sa iba’t ibang bansa. “Ito ang magtutuloy ng connection talaga, magko-connect sa mga pamilya natin all over the world na sabik na mapanood ang mga programa ng ABS-CBN. Sabik na makita ang mga artista ng ABS-CBN, through our program, you will get to reminisce the past movies that you have loved, your favorite stars. Hindi lang ‘yung favorite celebrities ang makakakwentuhan natin. We can also talk to our Kapamilyas abroad and here in the country. It’s an interactive show so mas free flowing siya, mas open. Hindi siya restricted na pang-artista lang,” pagbabahagi ng aktres.

‘We will never shut up’ - Robi

Naging emosyonal si Robi Domingo nang ipasara ang ABS-CBN noong May 5 dahil sa kautusan ng National Telecommunications Commission. Matatandaang napaso na ang prangkisa ng Kapamilya network noong May 4. Naalala ni Robi ang mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa industriya. Naging isa sa housemates ng Pinoy Big Brother noong 2008 bago pa tuluyang naging aktor at TV host sa Kapamilya network si Robi. “The network may shut down for now. But we will never shut up. I remember where I started and I remember how hard it is to produce one show and one event. And having said that, one naalala ko ang mga employees, ang mga crew and their families who are going to be affected. So it was hard seeing that one shutdown, as in no’ng sinabi na ‘Hanggang sa muli, Kapamilya,” naiiyak na kwento ni Robi.

Ang mga programang Pinoy Big Brother, ASAP, The Voice of the Philippines, I can Do That, The Kids’ Choice at Dance Kids ay ilan lamang sa mga naging proyekto ni Robi mula nang magtrabaho sa Kapamilya network. Reports from JCC

Show comments