Gwen happy family na kay David Semerad, Jeremy wala pang nakikitang pakakasalan

Pag nakikita ko iyong mga photo nila Gwen Zamora at anak nila ng isa sa Semerad twin na si David na na-ging asawa niya, hindi maalis sa isip ko na muntik nang ikasal sila Jeremy Marquez at Gwen noon.

Meron nang invitation para sana sa wedding nila na gagawin sa Bohol. That time they looked so much in love, looking good together.

Tapos, may nangyari bago sila sana ikakasal at hindi na nga natuloy ang wedding.

Then nagkatuluyan sina Gwen at David. Hindi ba parang movie ang buhay, Salve? Hindi mo aakalaing mangyayari ito.

At naisip ko habang nakikita ang magandang pamilya nila ni Gwen, siguro merong kurot sa puso si Jeremy.

Siguro nandoon pa rin iyong feeling na the one that got away.

Hay naku, kaya sa buhay walang tiyak hanggang hindi nangyayari. So happy for Gwen, and wishing Jeremy will find the right girl for him, the one that will never get away.

Maaasahan...

Hindi ko sana isusulat ito dahil medyo ayaw niya na maging masyadong public. Pero hindi ko mapigilan kasi napakagandang ugali ang professionalism na ipinapakita niya. Isa siya sa ace sa sleeves ni Mayor Joy Belmonte, iyon isang tawag mo, text, matiyaga niyang sinasagot.

Talagang impress ako to think na dati siyang congressman at ngayon ay tumutulong sa pinsang-buo niyang mayor ng Quezon City. Si dating congressman RJ Belmonte ay isa sa pinaka-trusted man ni Mayor Joy. Impressive man of action talagang maaasahan, hindi tumatalikod sa responsibilidad.

COVID vaccine hindi pa rin nadidiskubre

Habang papalapit ang pag-aalis ng lockdown hindi pa rin maalis iyong takot natin Salve dahil wala pa rin ang vaccine para sa covid-19. Nandoon pa rin ang takot na baka merong mga asymptomatic na nasa crowd at mahawa ang marami.

Tingnan mo iyong nangyari sa mga nagmadali na alisin ang quarantine, gaya sa Wuhan na meron na naman mga bagong tinamaan ng corona virus.

Mas doble ang pag-iingat dahil wala pang gamot, hindi na nga lang puwede patagalin pa dahil sadsad na ang ekonomiya.

Idasal natin na makita na ang cure, dear God, tulungan mo ang mundo.

Show comments