TV Patrol, Teleradyo humahataw sa online

Wala man sa TV ang ABS-CBN sa kasalukuyan, ramdam na ramdam naman ang kanilang presence lalo na ang TV Patrol na nagbalik online last Thursday night.

Bongga more than 200,000 ang live viewers nila at umabot sa 8 million views after the airing.

Napapanood ang TV Patrol sa Facebook at YouTube channel ng ABS-CBN News, iWant at sa The Filipino Channel (TFC).

Kahapon naman nag-umpisa  ang pagbalik ng DZMM TeleRadyo sa cable at digital terrestrial TV sa iba-ibang parte ng bansa, at sa ibayong dagat sa pamamagitan din ng The Filipino Channel (TFC).

Maaari rin itong tutukan online sa iWant, dzmm.com.ph, DZMM TeleRadyo Facebook, at ABS-CBN News YouTube channel, o gamit ang ABS-CBN News App at ABS-CBN Radio Service App.

In all fairness, humaharap man sa pagsubok, mukhang hindi matitinag ang bawat anchor, reporter, opisyal, at staff ng DZMM TeleRadyo, lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

 

Show comments