Mga doktor na mga magulang ni Robi, pinagpahinga muna

Robi

Dalawa sa mga tiyahin ni Robi Domingo ang nagkaroon ng covid-19 kamakailan. Nagtatrabaho bilang nurse sa Amerika ang mga kamag-anak ng aktor kaya posibleng sa ospital na pinapasukan nakuha ang naturang sakit.

Parehong doktor ang mga magulang ni Robi kaya raw nagpasya ang pamilya na huwag munang gampanan ang tungkulin dahil sa sinapit ng dalawang tiyahin. “’Yung puso ko talaga malapit sa mga medical practitioners primarily because you know, my parents are both doctors. They’re here, they’re both here (sa Pilipinas). They’re senior citizens kaya hindi na namin pinayagan. ‘Yung risk nando’n na, but both my titas before got the virus. They’re okay now. It became personal to us, ‘yung situation. Kasi my tita in Florida and who is a nurse got the virus and nahawa ‘yung isang tita ko. Nakakapraning talaga siya. I can just imagine the people and the families affected by it. I am with you. I am one with you,” pagbabahagi ni Robi.

Ang tanging dasal ng TV host ay matapos na ang pandemyang nararanasan ngayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Samantala, isa rin ang United Kingdom sa mga may pinakamaraming nakumpirmang kaso ng covid-19 kung saan ay marami ring kapwa Pilipino ang nagtatrabaho doon. “I’ve been reading and watching the news lately. Isa sa mga pinakatinamaang countries din. And most of the health workers there are Asians and Filipinos, actually. So I pray for all the families that have been affected by the virus,” paglalahad ng aktor.

Direk Joel, umalma sa ginawa ng NTC sa ABS-CBN

Nagbigay ng kanyang opinyon ang batikang direktor na si Joel Lamangan tungkol sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN. Para kay direk Joel ay hindi dapat ito hinayaang mangyari para sa mamamayan. “Ito ay pagyurak sa karapatan natin na iyon. Kapag hindi binigay ang karapatan na iyon, ‘yon ay pagyurak sa ating saligang batas. Ang ano mang pagyurak sa ating karapatan sa pamamahayag ay dapat nating labanan. If they can do this to ABS-CBN which is a very big and giant broadcast company, paano na ‘yung maliliit na broadcast company? How sure are we na hindi iyan magagawa sa kanila,” giit ni direk Joel.

Ayon sa batikang direktor ay dapat na ipinagpaliban muna ng NTC ang pagpapatigil sa operasyon ng Kapamilya network lalo na’t nahaharap tayo sa isang matinding krisis ngayon dahil sa covid-19. “Kailangan natin ang malalaking broadcasting company kagaya ng ABS-CBN. Kung kailan mayroon tayong problema saka nila aalisin. Ano ba ang ating kaaway, ABS-CBN o covid-19? Dapat ang kapakanan ng taumbayan ang tinitingnan, hindi ang interes o kapakanan o pagsama ng loob ng sino mang tao, kundi ang kapakanan ng maraming tao. Sa panahon ng pandemya, kailangan nating malaman ang nangyayari sa kapuluan. Malaki ang naitutulong ng ABS-CBN sa bagay na ito. Ang ano mang uri nang pagsasamantala sa ating karapatan sa pamamahayag ay dapat tinututulan,” paliwanag ng direktor. Reports from JCC

Show comments