Habang sarado ang mga sinehan, nagpapaalala ang Movie and Television Review and Classification (MTRCB) sa lahat ng kanilang deputies na ‘magtrabaho.’ Bantayan ang mga TV programs sa free TV and cable channels.
Ayon sa message ng MTRCB Deputy Admin:
“Following the government’s directive to stay/work from home during the enhanced community quarantine, please be reminded that as MTRCB deputies, you can also report television programs aired on free TV and cable channels.
“Reports are not limited to violations but may include commendations, observations and/or suggestions.
“Reports shall be sent through any of the following: “1. Deputy Portal: midas.mtrcb.gov.ph/dmis; “2. Mobile App: MTRCB.” Actually kahit hindi deputy ay puwedeng mag-report sa MTRCB para maparusahan ang mga palabas or channel na sinasamantala ang krisis at todo-pasa sa kanilang mga pinalalabas, canned shows man ito o news programs.
Ang MTRCB ay pinamumunuan ni Chair Rachel Arenas.
Wala pang nakakaalam kung kailan magbubukas ang mga sinehan sa bansa kahit ipatupad pa ang General Community Quarantine dahil sa coronavirus pandemic. Kaya baka mapaso na lang ang deputy card na issued ng MTRCB, hindi na ito magamit sa mga sinehan.
Kaya tamang sa TV muna mag-focus ang deputy card holders.
Actually, hindi lang naman pelikula ang malabong mabalik sa normal within this year dahil maging ang stage plays wala munang pag-asang makapagpalabas hindi lang dito sa bansa kundi maging sa West End and Broadway ayon sa story ng bbc.com na ang kino-qoute nila ay si Cameron Mackintosh.
Maging ang concert scene ay sinasabing malabong maka-move on sa epekto ng covid-19 sa buong mundo.
Inaasahang magiging kuntento muna ang lahat ng artist sa exposure sa digital platforms mapa-pelikula or concert.