Baka puwede rin dito sa atin ‘yung ginawang drive-in movie showing sa Lithuania International Airport habang hindi pa puwedeng mapanooran ang mga sinehan at magamit ang airport dahil suspended ang karamihan sa local and international flights.
Umabot daw sa 150 cars ang nag-park sa harap ng malaking screen na hanggang dalawa lang dapat ang sakay ng bawat kotse.
Isang non-profit filmfest ang organizer ng nasabing drive-in cinema na ang bawat car ay nagbayad ng 16 Euro.
At ang pinanood nilang pelikula, ang Korean movie na Parasite, Oscar’s best film for 2020.
“We’re offering people a new type of travel through the cinema on the airport tarmac,” ayon sa organizer na si Algirdas Ramaska sa AFP.
Sa May 15 na matatapos ang Enchanced Community Quaratine sa Metro Manila, pero kahit umano isailalim na ito sa General Community Quarantine ay hindi pa rin puwede ang mga sinehan dahil sa social distancing.
Kasama sa inilabas na guidlines ng pamahalaan sa mga hindi makakapag-operate normally para maiwasan pa rin ang second wave ng coronavirus sa bansa ay ang gyms, fitness studios, sports facilities, bars, pubs, sports-related mass gatherings, theaters, cinemas, libraries, museums, archives, and other cultural activities.
At lahat nang ‘yan ay may connection sa showbiz.
Or puwede rin siguro itong gamiting fund-raising dahil baka nagsasawa na rin ang maraming nagdo-donate sa mga digital fund-raising events na ang iba ay hindi na nagkakaroon ng updates kung paano ginastos.