Ngayon pala ang ika-66 na kaarawan ni Maestro Ryan Cayabyab, ang ating pambansang alagad ng Sining sa Musika. At kasama sa kanyang pagdiriwang ang paglulunsad ng isang awitin, isang regalo para sa bayan at kapwa Pilipino.
Nais niyang magbigay-inspirasyon, at mag-engganyong magkaisa at magmahalan ang ating mga kababayan, sa pamamagitan ng Kapit Lahat, lalo na ngayon sa panahong krisis at walang kasiguraduhan kung kailan matatapos.
Anyway, binigyang buhay ang kanta ng kanyang grupong, The Ryan Cayabyab Singers, mula sa kani-kanilang mga tahanan.
“Kapit lahat, hindi ka na mag-iisa
Kapit lahat, wag ka ng mag-aalala
Iaangat, bubuhatin ka
Sakaling may suliranin ka
Ibabangon, itataguyod ka
Kapit lahat,” ang bahagi ng kanta.
Si Mr. C din ang isa sa mga nagpasimuno ng Bayanihan Musikahan, kung saan ay nagkaisa at nag tulong-tulong ang maraming mga musikero ng bansa upang makalikom ng pera para sa mga Pilipinong matinding naapektuhan ng covid-19. Sa ngayon ay halos P67 milyon na ang nalikom ng grupo ni Maestro Ryan Cayabyab.
Magkakaroon ng launching ang Kapit Lahat, bukas, May 3, sa YouTube.
You To Me... ng DongYan, pinalabas ng libre
Cute talaga ang kuwento ng You To Me Are Everything movie nina Dingdong Dantes and Marian Rivera ten years ago sa Regal Films.
Ito ang unang free movie ng Regal Movies at Home kahapon na bago pinalabas ay may live chikahan muna sa mag-asawa.
Swak na swak sa kanila ang character na isang probinsiyang nagmana ng yaman (Marian) at si Dingdong ang naging in charge.
Aliw at Korean movie ang dating.
Actually, parang mas maganda pa talaga ang pelikula noon, hindi trying hard.
Puwede pa itong panoorin ang Regal Entertainment FB page.