Senior citizens, pinayagan nang rumampa!

Pumayag na ang gobyerno na medyo bigyan ng konting laxity ang strict rules sa mga seniors. Siyempre naman, mature at meron naman wisdom ang mga senior para malaman ang dapat gawin para alagaan ang kanilang sarili.

Why restrict their movements? Hindi ba mas delikado pa pag hindi nila magawa ang mga dapat nilang gawin, baka magkaroon pa ng mental lockdown at ma-depress ‘noh.

Mabuti naman at naisip nila na bigyang-laya iyon mga senior na gawin ang inaakala nilang dapat nilang gawin. We know na ang concern ng gobyerno ay maalagaan ang health ng matatanda, pero mas kilala nila iyon katawan nila at mas alam nila kung paano ito alagaan.

So thank you for giving us the chance to be back to normal after the lockdown.

Hindi man complete at least medyo magkakaroon na kami ng chance ng unti-unting pagbabalik sa normal naming ginagawa.

Basic needs mas tamang ayuda kesa sa datung

Medyo nakaka-bother iyon napapanood ko na balita kung paano iyon distribution ng SAP (Social Amelioration Program) ng DSWD .

Iyong napanood ko sa 24 Oras na hindi na halos makalakad dahil sa stroke pero kailangan pang pumunta sa munisipyo para kunin iyon 8K, iyon matanda na dahil sa frustration ay inatake sa puso, ang pagpila mula umaga hanggang hapon sa initan para makuha ang ayuda na ang iba merong nakukuha samantalang iyon iba ay wala.

Tumatak sa utak ko iyon sinabi ng isa, na oo mahirap sila, pero ngayon niya lang naranasan na para siyang pulubi na naghihintay ng ibibigay sa kanya.

Dalawang buwan na halos na inaayos ito, tumutulong ang barangay, pero bakit parang hindi pa rin maayos at naging dahilan pa para magkaroon ng gulo ang isang kapitan ng barangay at mga taong nagre-reklamo? Bakit hindi maayos? Ano ba ang clear na regulation na dapat masunod?

Mas mabuti pa siguro na relief goods na lang ipinamigay, iyon mga basic na kailangan, iyon hindi na bibilhin, kesa nagbigay ng cash na naging dahilan pa para magsugal, uminom, bumili ng drugs iyon iba.

Kung pagkain iyan, baka less pa ang gulo, lesser pa ang corruption dahil walang perang hahawakan.

Ganoon daw ginawa sa Korea, pagkain at ilang basic needs ang binigay na ayuda, walang cash.

Show comments