Lara hirap sa pre natal check-up!
Mahigit apat na buwan na pa lang nagdadalangtao si Lara Quigaman at ito ang masaya nilang ibinalita sa unang episode ng kanilang YouTube Channel kamakalawa lang.
Bale pangatlong baby na nila ito ni Marco Alcaraz. Seven years old na ang panganay nilang si Noah, at magtu-two years old naman ang pangalawa nilang si Tobias.
Masaya ang mag-asawa sa good news nilang ito, pero medyo nahihirapan daw si Lara dahil naka-Enhanced Community Quarantine sa pagpapa-check-up.
Ang wish ng lahat ay sana baby girl ang pangatlo nilang baby na malalaman na nila sa mga darating na linggo ang gender.
Dating aktres na si Mayor Ina, napahiwalay sa pamilya
Malungkot ang dating aktres at producer na alkalde na ngayon ng Pola, Oriental Mindoro na si Mayor Ina Alegre dahil napahiwalay siya sa kanyang pamilya ngayong naka-Enhanced Community Quarantine. Nasa Pola si Mayor Ina dahil nakatutok siya roon habang ang asawa niyang si Gen. Gilbert Cruz ay nasa Camp Crame at ang mga anak nila ay nasa tahanan nila sa Cainta, Rizal.
Kaya hanggang video call lang daw sila para magkumustahan.
Masaya namang ibinalita sa amin ni Mayor Ina na zero case pa sila sa Pola ng COVID-19 at sobrang maingat daw siya roon dahil wala silang hospital na puwedeng mag-asikaso sa mga COVID patients kung sakaling may mag-positive. “Honestly, wala kaming hospital dito sa aming bayan. Meron lang kami health center. Hindi namin alam kung ano ang gamot dito. Wala akong sapat na facilities, kaya talagang sobrang higpit ko.
“Meron tayong provincial hospital, siyempre nandun ang ibang may sakit din. Eh baka magkahawa-hawa din. Pero dito sa bayan ko, hindi ko kaya,” seryosong pahayag ni Mayor Ina nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules ng gabi.
Kaya wala raw talagang nakakalabas sa kanilang bayan, at mga residents lang talaga ng Pola ang ina-allow nilang makapasok.
Pagdating sa mga essential na kailangang bilhin sa labas, meron lang daw siyang naka-assign na tagapamalengke at doon daw ibinibilin lahat kung ano ang kailangang bilhin sa labas.
Malaking challenge raw kay Ina itong nakaatang na responsibilidad sa kanya.
Kapag okay na ang lahat pagkatapos ng ECQ at puwede nang mag-resume ng shooting, welcome daw ang mga taga-showbiz na mag-shoot sa Pola. Marami raw magagandang lugar doon na ang iba ay nagamit na nga ng isang disaster movie na ginawa nina Gabby Concepcion at Dina Bonnevie. Nakatakda raw na mag-shoot doon si direk Buboy Tan, pero hindi na natuloy dahil sa ECQ.
The Clash, may virtual reunion
Ngayong alas-singko ng hapon ay magkakaroon ng reunion ang The Clash via Zoom sa Facebook at YouTube Channel ng GMA 7.
Tampok ang dalawang champions na sina Golden Canedo at Jeremiah Tiangco.
Makikipag-jamming sa kanila ang mga ilan sa judges na sina Christian Bautista at Lani Misalucha at ang host na si Julie Anne San Jose.
Pero kasali rin sina AiAi delas Alas na makipagtsikahan sa kanila kabilang sina Rayver Cruz, Ken Chan at Rita Daniela.
Nagsimula na sila ng online audition sa Facebook account ng The Clash, pero sa kanilang reunion ay ipapaliwanag nina Ken at Rita kung ano ang tamang gawin sa pagpapadala ng kanilang audition piece.
Bukas ito sa lahat na mga Pinoy edad mula 16 pataas, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Sa mga gustong mag-audition, mag-submit lang ng dalawang song videos, isang Tagalog at isang English na hindi lalagpas sa 1minute and 30 seconds either in mp4, mov, or avi.format at hindi dapat lumagpas ang file size ng 30mb.
- Latest