After Regine Velasquez, si megastar Sharon Cuneta naman ang may digital concert sa pamamagitan ng fundraising concert na pinamagatang Sharon: Love and Music, A Mother’s Day Special, na mapapanood sa ABS-CBN Facebook, YouTube, at website (ent.abs-cbn.com) ngayong Mayo 10, 8pm kasama si maestro Louie Ocampo.
Bukod naman sa selebrasyon ng Mother’s day, ang concert ay naglalayon ding makalikom ng donasyon para sa Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng tulong ang megastar ngayong panahon ng krisis.
Kamakailan lang ay naghandog siya ng P1 milyong donasyon para sa Bantay Bata 163 sa fundraising concert ni Regine at nag-abot din ng P3 milyon para naman sa kampanya ng aktres na si Angel Locsin para sa mga pangangailangan ng frontliners.
Binuksan ni Sharon ang taon at nagdiwang ng kanyang kaarawan bilang isang Kapamilya matapos siyang mag-renew ng kontrata sa network noong Enero. Ibinahagi niya rin ang kanyang nakatakdang pagbabalik telebisyon sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar Kids bago ang nagaganap na ECQ.
Anyway, three days na lang, May 4, ay mag-e-expire na ang franchise ng ABS-CBN. Kaya inaabangan ngayon kung anong mangyayari.
Pero ayon naman kay Sen. Allan Peter Cayetano, malabong magsara ang network. “Actually, there’s supposed to be a hearing on May 4 or 5. But what we want to do is to let it be known to all viewers of ABS-CBN, DZMM; to all the employees, stars, directors: There’s no move to close down ABS-CBN,” sabi ng senador sa kanyang interview na common knowledge na hindi agad gumalaw sa usapin ng nasabing franchise.
Local movies, matagal pa bago maka-recover
Oww ‘drama’ lang daw ang ginawa nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo two nights ago.
Yup, kung saan gamit pa ang batang magda-dalawang taon pa lang na anak ni John Lloyd at Ellen Adarna. At may director pala ‘yun.
Though from the start naman may mga nagdudang scripted ‘yun but still, malalim ang mga sinabi ni John Lloyd na may pagka-critical sa gobyerno.
Baka nga sinasalo lang din siya kasi medyo ‘matapang’ ang mga pahayag ng actor na matagal nang walang trabaho.
But anyway, kung ‘film’ ‘yun, ano pa nga bang future ng Philippine cinema? Imagine ‘pelikula’ na pala ‘yun? Eh ang mga Korean drama na kinababaliwan ngayon ng Pinoy fans, talagang ginagastusan at ang bibigat ng mga kuwento. Alam mong pinag-isipan at hindi paulit-ulit lang.
So umabot na kaya sa ganung estado ang pelikulang Pilipino na nag-uusap lang sa social media at nag-chikahan, pelikula na, kahit pa nga sabihing ang category nun ay short film lang?
Anyway, ok na rin at least sandaling binigyan ng ilusyon nina Bea and John Lloyd ang kanilang fans.
Pero ano nga kaya magiging future ng Philippine cinema na kahit pag natapos na raw ang extended enhanced community quarantine ay bawal pa ang mga sinehan o kaya ay entertainment venues ayon sa guidelines ng Malacañang.
Or kung sakali mang magbukas ang mga sinehan magiging priority pa ba ng mga tao ang panonood ng sine eh naka-adjust sila ngayon sa panonood ng libreng pelikula sa TV, streaming sites like iWant, Netflix and Viu na may bayad pero minimal lang naman.
Nakaka-sad ang mga artistang walang naipon pero marami rin naming nakapag-invest pero ang iba ay nag-uumpisa pa lang mag-negosyo at nailabas ang ibang mga naipon.
Sinabi na rin daw ng Cultural Center of the Philippines na walang live concerts, stage plays, ballet performances at least for a year.
So talagang challenging times ito sa artista, singers, stage performers at workers behind the cameras. Baka sa 2021 pa makabalik sa new normal ang lahat sa showbiz.