John Lloyd nabibilisan na ngayong mamatay

MC at Lassy

MANILA, Philippines — Muling pinakilig nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang kanilang mga tagahanga nang makapagkuwentuhan ang dalawa sa pamamagitan ng Instagram live kamakailan. Inamin ng aktor sa kaibigan na nakararamdam umano siya ng pangamba para sa anak na si Elias Modesto.

Natatakot si John Lloyd para sa paglaki ng anak nila ni Ellen Adarna dahil sa mga kasalukuyang nangyayari ngayon sa bansa.

Para sa aktor ay ibang-iba na rin ang kapaligiran ngayon na kalalakihan ng kanyang anak na magdadalawang taong gulang pa lamang.

Natural sa isang ama na katulad ni John Lloyd ang mapaisip para sa kinabukasan ng anak. “Iba na ‘yung mundong ginagalawan natin eh, ibang-iba na. natatakot ako eh. Ang bilis nang mamatay ngayon eh, ang bilis nang pumatay. Iniisip ko, matatawag na talaga natin na masuwerte ang sarili natin habang ‘yung iba na hindi maswerte, nababaril lang ng gano’n-gano’n sa kalye. Namamatay na lang ng walang kalaban-laban dahil sa sakit. Ako nahihirapan akong sabihin na maswerte ako, nakakahiya,” dagdag pa ng aktor.

MC at Lassy, lungkot na lungkot sa nararanasan

Ramdam na ramdam ngayon ng mga komedyanteng sina MC Calaquian at Lassy Marquez ang kalungkutan dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Bukod sa walang trabahong pinagkakakitaan ngayon ay saksi rin ang dalawa sa mga nangyayari sa bansa dahil sa panganib na dulot ng covid-19. “Sana mas marami pa akong naipon na liquid, to be honest kasi sa panahon ngayon ‘yon ang kailangan natin para maging stable tayo lalo na sa line of work namin na no work, no pay, at kahit ma-lift ang lockdown, baka ‘yung mga comedy bars eh hindi pa magbukas. Kasi definitely ipagbabawal ang mass gathering. So dapat may sapat na ipon talaga,” pagbabahagi ni MC.

“Bilang komedyante, alam nating lahat na talagang nakakalungkot ang mga pangyayaring ito. Kahit isa akong masayahing tao, isa ako sa sobrang naapektuhan ng lungkot at takot. At dahil isa akong komedyante, pinipilit kong gawing positibo ang mga negatibo. Unang-una, financially, ‘wag matakot dahil mayaman ka sa kaibigan at maraming tutulong sa ‘yo. Physically, palakasin ang sarili at pagtuunan ang kalusugan. Hindi ka man makalabas para maglakad-lakad. Eh ginagawa kong mag-akyat panaog sa hagdan,” paglalahad naman ni Lassy.

Nagkaroon ng online shows ang magkaibigan upang makakalap ng pondo para makatulong sa mga kasamahang empleyado ng comedy bars na kanilang pinagtatanghalan. (Reports from JCC)

Show comments