Sad naman kung totoong hindi aware si Vice Governor Imelda Papin na may diplomatic protest ang Pilipinas laban China dahil sa pang-aangkin diumano nito sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang ikinatuwiran ni Madam Imelda sa interview niya sa DZBB nang makatanggap siya ng tambak na pambabatikos matapos pumayag na sumali sa sinasabing unity song ng China at Pilipinas na nag-premiere three days ago na ang tema ay ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa paglaban sa covid-19.
Umabot ang nasabing video ng apat na minuto na kasama nga sa mga performer si Ms. Imelda.
Uploaded ‘yun sa social media page ng Chinese Embassy Manila four days ago : “The lyrics are written by Chinese Ambassador H.E. Huang Xilian, and the song is performed by Chinese Diplomat Xia Wenxin from the Embassy, Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin, Filipino-Chinese Singer Jhonvid Bangayan and Chinese actor Yubin from the TV Series The Untamed, “Ikaw at ako’y nasa iisang dagat, ang iyong pagmamahal aking kasama”. Just as the lyric goes, as friendly neighbors across the sea, China and the Philippines will continue to join hands and make every effort to overcome the COVID-19 at the earliest!” bahagi ng caption ng Chinese Embassy.
Or baka naman sa sobrang kabisihan ni VG sa Bicol ay hindi na siya nagkaka-oras mag-update non-covid issues.
Anyway, sinabi niyang hindi pinag-usapan ang pera sa kanyang pagsali sa music video.
Naunang pinagtanggol si Madam Imelda ng anak niyang si Maffi Carrion at sinabing grabe ang bullying. Katuwiran niya sa kanyang tweet : “I understand the ongoing issue with our Sea and of course I will always be on our country’s side to protect our land. The song never meant to pertain to anything more regardless of what they are continuously saying.”