Kamakailan ay nag-post si Pokwang sa kanyang Instagram account ng video tungkol sa mga gumagawa ng fake account sa social media.
Ayon sa komedyante ay talagang maraming fake accounts na gumagamit sa kanyang pangalan, mga larawan at videos. “May gumagamit ng name ko at mga litrato pati mga videos namin sa legit account na Poklee Cooking at some Malia, ninanakaw nila, at meron ng 553k followers! So meaning ang laki na ng kinikita niya sa AdSense ng FB. Tapos kapag nasita magpapahinga lang sandali ‘yan tapos babalik na naman na hindi nabawasan ang followears! Malaki na ang kinikita niya and dahil nakikita niya siguro na tumutulong ako sa mga kapos na kababayan, aba nanghihingi raw ng donations using my name! Kapal ng mukha eh, ni singko hindi ako tumatanggap, mas okay po sa akin ang mga goods na lang or bigas at hindi cash,” pagbabahagi sa amin ni Pokwang sa Messenger.
Nanawagan ang komedyante sa mga kasamahang artista na biktima rin ng mga impostor na gumagamit ng pangalan at mga personal na larawan at videos upang pagkakitaan. Umaasa rin si Pokwang na gagawa ng aksyon ang NBI o National Bureau of Investigation sa mga nangyayaring panlolokong ito sa social media.
“Hay! Naku! Nananawagan ako sa lahat ng kapwa ko mga artista na biktima nitong mga mapagpanggap na impostor na account, na mga fake account na ginagamit ang picture natin at pamilya natin sa Facebook para kumita sila ng pera. Magsama-sama tayo maghain tayo ng kaso, nakakaloka kasi hindi ba? tapos mga manghihingi ng pera, ang kakapal ng mukha. Kayo na gumagawa ng mga ganito, tandaan n’yo, lahat ng panlalamang n’yo sa kapwa lahat ‘yan ay may balik sa inyo at sa buong pamilya n’yo na pinapakain n’yo ng nakaw,” emosyonal na pahayag ng aktres.
Marlo, ginawan ng kanta ang ‘friends with benefits’
Habang ipinatutupad ang community quarantine sa buong Luzon dahil sa panganib na dulot ng covid-19 ay maraming naisulat na kanta si Marlo Mortel. Kamakailan ay nai-upload na ng singer sa sariling YouTube channel ang mga music video na ginawa lang mismo sa bahay.
Kontrobersyal ang kantang Unreciprocated dahil sa caption nitong ‘Friends with benefits or just plain infatuation? When you’re not supposed to fall in love but you did. Hard.’ “Mostly based sa mga experiences ng friends ko. I have one close friend na sa kanya talaga inspired ‘yung song. Kasi nag-request siya na gawa daw ako ng kanta about sa love life niya,” pagbabahagi ni Marlo.
Para sa binata ay hindi namang nangangahulugan na wala talagang mararamdamang pagmamahal kapag sinabing ‘friends with benefits.’ “Usually talaga may nafo-fall and some even end up together ‘pag na-realize nilang they’re meant to be. Isa sa common situation din diyan is either taken ‘yung kinikita mo kaya bawal but you still push through kasi you want to see that person at nahulog na loob mo but still bawal. And for some it might even just turn out to be your wild imagination that there’s something going on between you and that someone you like kasi nga gustong-gusto mo siya. Ito ang pinakakakaiba sa lahat ng mga sinulat ko,” paliwanag ng singer. Reports from JCC