Andre, may online show na

Andre

May  sariling online show na pala ang Descendants of the Sun PH star na si Andre Paras, ang Shout Out Andre.

Wish ko lang na mapanood ko ito ha na ang sabi sa unang episode ay nakasama ni Andre ang kanyang mga nakababatang kapatid na sina Sam at Riley para isang fun na basketball trivia quiz.

Nagkaroon din daw ng espesyal na partisipasyon ang kanilang ama at PBA legend na si Benjie Paras bilang judge.

Naku dapat matuto na rin akong mag-You Tube dahil sa official YouTube channel pala ito ni Andre napapanood.

Naku pag nagka-YT ako, talagang isu-subscribe ko si Andre.

Mayor Toby idinonate lahat ng suweldo sa DSWD

Isang napakagandang gesture ang sinimulan ni Mayor Toby Tiangco na i-donate ang suweldo niya hanggang matapos ang term niya sa mga hindi nagbigyan ng ayuda ng DSWD.

Ngayon na makikita kung sino iyong mga talagang kailangan ang assistance na hindi binigyan ng DSWD.

Puwede nang itanong, bakit itong mga taong ito iniwan sa mga dapat tulungan?

Kawawa kung minsan ang mga mayor dahil hindi maayos ang ilang barangay nila. Iyon reklamo na agad dahil hindi agad nakakilos ang mga mayor dahil nga sa bagal din ng aksiyon ng mga barangay captain nila.

Iyon mga kapitan ng barangay na palpak ang mga biniling supplies para sa relief goods.

Iyong nagpalusot sa pagbili ng bigas at nag-overprice. Dapat lahat iyan makita at maimbistiga ng DILG.

Ngayon ang panahon na dapat makita ng lahat kung paano nagtrabaho ang barangay nila. Kawawa ang mga mayor na lagi na lang sinisisi. 

Mga Revilla, pinaniniwalaan pa rin

Maaring mayroong pagkukulang sa ilang bagay ang mga Revilla, pero isang bagay ang masasabi ko ay talagang mahal nila ang Cavite.

Dahil siguro doon na lumaki sa Cavite ang mga Revilla tulad nina Bong at Strike, halos lahat ng tao doon kilala na nila. Hindi rin kataka-taka na ang mga anak nila na sila Jolo at Bryan ay active na active sa province ng Cavite.

Ang ganda nilang tingnan pag naglalakad sa kanilang kinalakhang lugar at namimigay ng relief goods habang nagtatanong sa mga tao kung ano pa ang kailangan.

Tiyak na kahit ano pa ang gawin nila, meron pa rin sasabihin ang iba pero talagang ganun ang buhay, hindi puwede lahat ng tao gusto ka, pero kahit isa lang ang maniwala sa iyo sapat na iyon.

 

Show comments