^

PSN Showbiz

Sikat na aktor at magandang aktres mas abala sa computer games, ayaw sumali sa live streaming shows

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Napapag-uusapan na ngayon ang mga online show dahil ito na lang muna ang mga bagong entertainment na napapanood natin sa ngayon dahil karamihan sa mga TV show ay replay lang.

Mga news at public affairs program lang ang bagong napapanood kaya karamihan sa mga artista ay sa live streaming lang napapanood.

Ang ikinaloka lang ng ibang staff, alam naman nilang nasa bahay lang ang mga ito at wala namang ginagawa dahil naka-quarantine, nag-iinarte pa raw na hindi puwede.

Ano ang pinagkaabalahan nila?

Minsan kasi ay pinapakiusapan silang umapir sa live streaming ng programa nila via Zoom, hindi raw puwede. 

Itong si sikat na aktor na inaasahang umapir sa isang live streaming, hindi raw pumuwede. Next time na lang daw dahil busy siya.

Nagtataka sila kung ano ang pinagkaabalahan, eh parang sa computer games lang daw ito nakatutok. Hindi lang alam kung Mobile Legends ba o anong computer games ang pinagkaabalahan nito, kaya hindi siya puwede.

Sabi naman daw ng ilang taong malapit kay aktor ay may pinagdaanan daw ito.

Tila palaisipan ito sa ibang staff kung ano talaga ang pinagdaanan nito, eh parang nasa kanya na ang lahat. Hindi na ba siya masaya sa buhay niya?

May isang magandang aktres naman daw na dala lang siguro ng kaartehan kaya ang hirap daw pakiusapan kung kailangan siyang isali sa live streaming.

Kaya minsan dini-dedma na lang daw ng mga staff.

Sana naman nakikisama naman daw itong mga artistang ito dahil sa laki naman ng naitulong ng network sa kanilang career.

Lahat nga naman tayo may pinagdaanan at apektado sa hinaharap natin sa COVID-19, sana nakikisama na lang daw itong mga nag-iinarteng artistang ito kapag kailangan sila ng kanilang TV network.

AiAi certified panadera na

Sobrang kinakarir na ni AiAi delas Alas ang pagiging panadera niya dahil sa dami ng order ng kanyang Ube Pandesal sa kanyang Martina’s Pastries. Gusto sana namin siyang makapanayam sa radio program namin sa DZRH ng alas-diyes ng gabi, hindi siya puwede dahil sa maaga siyang natutulog.

Maaga raw kasi siyang nagigising para makapag-bake siya ng kanyang Ube Pandesal na padami nang padami ang orders. Kaya sa mga ipinu-post niya sa kanyang Instagram account ay lagi siyang nagpapasalamat sa asawa niyang si Gerald Sibayan pati sa mga anak niya kasama ang dyowa ng anak niya dahil tulung-tulong sila sa paggawa ng pandesal.

Nakakatuwa na merong ganung pinagkakaabalahan ang mga kilalang artista at hindi lang sa pagti-Tiktok at maglabas ng mga hanash nila sa gobyerno.

Nagiging productive si Aiai sa gitna ng Enhanced Community Quarantine at nagagawa pa niya ang responsibilidad niya bilang asawa ni Gerald na tuwang-tuwa sa pagupit na pilit niyang ginagaya ang buhok ni Park Seo Joon ng Koreanovelang Itaewon Class.

Concert nina Regine at Lea malabo pang matuloy

Marami nga ang natuwa sa pagsasama nina Regine Velasquez at Lea Salonga sa huling llive streaming concert ng Asia’s Songbird na nagdiwang ng kanyang 50th birthday kamakailan lang. Sabi nga ni Lea, nahirapan siyang makipag-duet kay Regine pero kailangan daw niyang pagbigyan ang request sa kanya bilang pa-birthday daw niya. “Singing with you was hard, but because it was your birthday, and because you asked, as in ikaw mismo ‘yung nag-request that I sing this with you, I couldn’t say ‘no,” sabi ni Lea.

“The next time you and I sing together again, it should be in person, with full on glam, and full on gowns... in a much bigger venue than this.

“Talking concert hall, stadium, an arena. Something. And it will be fun,” dagdag niyang pahayag na ikina-excite ng mga fans nila na sana matuloy ito.

Pero matatagalan pa siguro ito, bagama’t marami na ang umaasang matutuloy ito dahil kakaibang kumbinasyon din itong pagsasama nina Regine at Lea sa isang malaking concert.

LIVE STREAMING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with