^

PSN Showbiz

ABS-CBN, wagi ng tatlong medalya sa NYF

Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN, wagi ng tatlong medalya sa NYF
Ric Oben­za

Nasungkit ng programang Local Legends ng ABS-CBN DocuCentral ang Silver World Medal para sa kwen­to nito tungkol sa 74-anyos na artist na si Ric Oben­za at kung paano niya inaalay ang buhay sa pa­nga­ngalaga sa mga kagubatan sa Davao sa 2020 New York Festivals TV and Film Awards. Panalo rin ang isa pa nilang dokumentaryo na pinamagatang Alab, tungkol sa tapang at pagkakaisa ng Filipino volun­teer firefighters, na nasungkit ang Bronze World Medal sa Heroes category.

Kinumpleto ng Tao Po, isang episode ng documentary series na “#NoFilter, ang listahan ng mga nagwagi mula ABS-CBN na nakakuha ng pinakamaraming medalya para sa Pilipinas.

Bronze World Medal ang natanggap ng kwento ng premyadong dokumentarista na si Jeff Canoy tungkol sa isang inang nangangalaga sa kanyang anak na may Down Syndrome.

Layunin ng New York Festivals Best TV and Film Awards na kilalanin ang pinakamahuhusay na programa mula sa iba’t ibang bansa. Sinuri ng mga batikang broadcast at film executives mula sa buong mundo ang mga nagsipagwagi.

ABS-CBN

JEFF CANOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with