Baeby Baste todo dasal sa amang nagka-COVID!

Baste

Balik na sa pagiging frontliner,

Prayers at sweet message ang handog ng cute na cute na Eat Bulaga host na si Baeby Baste sa amang pulis na naka-recover mula sa sakit na COVID-19.

Yup, isa ang ama ni Baeby Baste na si Papa Sol sa mga na-infect ng virus mula sa Philippine National Police.

Kabilang ang mga pulis sa frontline workers sa kasaluku­yang enhanced community quarantine.

Sa isang eksklusibong panayam mula sa 24 Oras, ina­min ni Baeby Baste na   nami-miss nito ang ama nagta-trabaho na uli matapos maka-recover.

Hindi raw ito makauwi dahil isa ito sa mga patuloy na nagbibigay serbisyo sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Lord kayo na po bahala sa Papa Sol ko at sa iba’t ibang frontliners sa buong mundo. Alam ko po ‘di N’yo po sila pababayaan. Kaya please lang Lord, i-protect N’yo po sila kasi sobrang dami pong naghihintay sa kanila, mga families nila,” sabi pa ng batang Kapuso star.

Tuloy din ang pagbibigay ng food at medical supplies sa mga PNP frontliners ni Baeby Baste.

Show comments