Lockdown syndrome ramdam na ramdam!

Mukhang nagkakaroon na ako ng lockdown syndrome. Nakaka-feel na ako ng inip at sadness.

Nung una, enjoy ako dahil nawala iyon sakit sa balikat ko sa katutulog ko.

Nalinis at naayos ko na lahat gamit ko, napanood ko na uli iyon mga Koreanovela na type ko sa second viewing.

Tapos bigla, na-miss ko ang mga presscon, iyong chicahan at iyon pagpunta sa Bambbi Fuentes salon.

Ganito siguro ang feeling ng mga preso, iyong gising, tulog na routine, na sa una enjoy mo pero pagsasawaan mo rin.

Kaya siguro tama na iyon hanggang May 15, pagkatapos, medyo relax na ng konti. Hindi rin pala ganoon kasarap ang buhay mayaman, boring din.

Totoo pala na hindi ka puwede mag-enjoy na walang kang interaction.

Kailangan mo rin ng ibang tao. Hahahah, as in ngayon ko lang na-discover.

Confidence, iba ang nagagawa sa aura ng tao!

Built in siguro ang confidence sa isang tao, Salve. Hindi siguro basta napi-feel iyon o nararamdaman.

Naalala ko kasi ng una ipinakilala ni Nanette Medved sa akin si Chris Po, nakapila siya sa isang fast food resto sa Greenhills.

Imagine mo isang Wharton graduate, anak ng isang tycoon, pero sa fast food nakapila eh ang daming fine dining resto?

Naalala mo rin how simple at charming si Jomar Ang nang makilala natin sa kasal nila Alfred at Yasmine Vargas, napaka-gracious na nakikipagbiruan sa atin, to think na anak siya ni the Ramon Ang.

Confidence kasi is being so sure no one can over shadow you, nothing can dim your aura, at in the crowd, you stand out without trying.

Hindi sila nag-i-exert ng effort na makipag-kumpetensiya, kasi nga sure sila sa sarili nila. Pero kahit hindi ka mayaman o maganda, meron ka pa rin confidence sa sarili mo na mararamdaman mo automatically basta contented ka.

Iyon confidence kasi nawawala lang pag meron kang feeling of inferiority, pero kung contented ka sa looks mo, sa status mo, andoon iyong confidence sa utak at puso mo.

Basta isipin mo lang, ito ako, take me for what I am, no ifs no what, you will stand tall.

Show comments