Dahil sa ECQ, Julia, naiba na ang pananaw sa buhay!

Julia

Kamakailan ay pinangunahan ni Julia Barretto at mga kapatid na sina Dani Claudia ang pagpapatayo ng isang quarantine facility sa Fe del Mundo Medical Center sa Quezon City. Naisipan umanong mag-fundraising ng magkakapatid para makatulong sa mga pasyenteng may pangangailangan dahil sa panganib na dulot ng coronavirus disease 2019. “Ako kasi like my sisters nagdo-donate kami sa mga iba’t ibang fundraiser pero always private. Hindi namin talaga masyado shini-share. So we help in private. Then may isa akong tinulungan na fundraiser and I want to look deeper into it so inaral ko siya. Then nakita ko na they were partnered up with this team who builds facilities. And inisip ko na I should call out my sisters, magsanib-pwersa kaming tatlo to raise funds to be able to have one quarantine facililty built. So nakipag-collaborate kami with the people na nagpapatayo ng mga facility,” kwento ni Julia.

Ngayong pinalawig muli ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine ay maraming mga bagay na raw ang natutunan ng aktres. “With everything that’s happening nakakabigay siya ng new perspective sa ating lahat. Siguro for me nagbago ang perspective ko sa maraming bagay, like the moments na sana we didn’t take for granted. Kasi it’s very easy for us to see our friends, see our families, go out and work, like normal. Siguro rin pinipili kung ano ang pinoproblema sa life. May mga bigger problems pala na haharapin natin in the future. Iba eh, nakakaiba lang siya ng perspective so mas pinapahalagahan ang mas malalaki na bagay sa life. ‘Yung mga social media na dati ay kinaka-worry pa natin, ‘yung mga sinasabi ng tao ay walang-wala na pala talaga kasi mas marami pa palang mas mahalagang kailangang bigyan ng pansin,” paglalahad ng dalaga.

Darren at Mavy mag-brother in law na

Malapit na magkaibigan sina Darren Espanto at ang babaeng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy. Maging ang kakambal ng dalaga na si Mavy ay ‘brother-in-law’ na raw ang tawag sa singer. “Ongoing joke din ‘yon. We are all used to each other joking around like that. It’s really part of our friendship na talaga,” nakangiting pahayag ni Darren.

Bukod sa mga tagahanga ay maraming mga kaibigan din ng singer at Cassy ang tumutukso sa pagiging malapit ng dalawa. Ayon naman kay Darren ay mas mabuting maging magkaibigan muna sila sa ngayon ni Cassy. “I’d say na ‘yung pinakamatibay nga na relationship should always start with the friendship. Kasi when you guys break up, parang after that, there’s nothing there kung hindi nagsimula sa friendship,” paliwanag ng singer.

(Reports from JCC) 

Show comments