Chikahan at laglagan sa TIPMMG, nakaka-miss na rin

Lolit, Mr. Fu and Cristy

Tuesday kahapon Salve at kapag ganung araw ay aligaga na tayo sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) umaga pa lang.

Naku ha, sa tagal na hindi ko nakita si Mr. Fu parang nalimutan ko na ang face niya, joke joke at miss ko na mga pa-take home ni Cristy. Talagang pag Tuesday ng tanghali ang hinahanap ko iyon mga sari-saring longanisa nina Tina at Japs, meron matamis, meron medyo maasim at iba ibang atchara na kasama nito.

Hay naku, 10 days to go bago matapos ang enhanced community quarantine pero type pa rin kaya tayo ng ating mga viewers, baka forget na nila tayo sa May ha?

Sabagay at this point, para naman insensitive kung ang pag-uusapan mga walang kawawaang bagay kaya dapat relevant sa mga nagaganap para hindi antukin si Gorgy Rula.

At Salve, siguro panay na ang pili mo sa mga outfit na isusuot mo pag wala ng lockdown, at sure ako hanapin mo agad si Cris para blower to the max ang buhok mo sa Bambbi Fuentes Salon.

Hay naku, let’s go out na, pero wala nang beso-beso, wala nang hug huh, wave lang puwede gawin!

Live by the day...

Sa bilis ng buhay ngayon, at sa pagiging unsure natin sa future, talagang bagay iyon kasabihang ‘live by the day.’

Iyong kung ano lang ang puwede mo gawin ngayon, iyon lang ang asahan mo. Live your life to the fullest, enjoy your day now, huwag na masyado i-burden ang sarili sa kaiisip kung ano ang gagawin tomorrow o kung ano ang mangyayari.

Life is so fleeting, we are so vulnerable, dapat happy memories na lang naka-store sa utak natin.

Don’t make your heart heavy by thinking of things na nakakabigat sa loob mo.

Today is your day, enjoy it and be happy. At least light ang feeling mo. Don’t stress yourself with things na nangyari na at iyon iniisip mo na puwede mangyari.

Live by the day, and enjoy it.

Sales staff na kabisado ang tinitinda, kakabilib

Amazing iyon mga tao na alam kung ano ang products na ipinagbibili nila. Try mo bumili ng halaman, lahat ng name ng plants at flowers alam ng nagtitinda.

Doon sa Santi’s Deli, lahat ng cheese ay alam ng sales staff at pati iyong lasa, know nila. Naisip ko, siguro meron din silang seminar para sa mga ipinagbibili nila, at siguro iyon nagtitinda ng plants, green thumbs din kaya malago at healthy iyon mga halaman na tinda nila.

Hindi ba ang galing, iyon hindi natin alam, know ng staff, at naipapaliwanag nila sa iyo.

Dapat Salve staff ka ng jewelry store, para lahat ng precious stones alam mo, at magsawa ka sa dami ng mga alahas sa store, bongga ‘di bah!

Show comments