Carol, natatakot makapag-uwi ng virus
Naging isang registered nurse si Carol Banawa noong 2018 at ngayon ay nagsisilbing frontliner sa isang ospital sa Amerika.
Aminado ang dating singer-actress na nakararamdam siya ng takot para sa sarili at pamilya dahil sa araw-araw na ginagampanan niyang tungkulin sa ospital lalo pa’t laganap din ang coronavirus disease 2019 sa kanilang lugar. “When the pandemic started, every day paiba-iba ang guidelines. Nandoon lahat ng questions. We were also in fear. Siyempre nandoon po ang possibility na maka-encounter ako ng covid patients pero so far wala pa naman. My greatest fear is bringing the virus home. Kasi like my daughter, she’s considered high risk kasi may asthma siya. My husband, he’s in the military. Ang ginawa namin para lang added protection, meron kaming basket by the door and then once we get home, tanggal lahat ng damit, diretso kami sa banyo ang then ligo muna. After that, that’s the only time we can greet and say hello to the kids,” kwento ni Carol.
Kahit nahihirapan sa sitwasyon ngayon ay patuloy pa ring ginagampanan ni Carol at ilan pang Pinoy na nurse sa Amerika upang makatulong sa mga nangangailangang pasyente. “Sa unit namin, sa OR, marami po akong katrabaho na Pilipino doon. Siyempre masarap ang pakiramdam kapag kasama ninyo ang mga kababayan n’yo sa trabaho. If you give a Filipino task, we do it the best way that we can. Sa lahat ng Filipino nurses all over the world, alam ko po wala pa po sa kalingkingan ‘yung na-contribute ko para po maitulong sa pandemic na ito. But I am trying my best in my own little way. Saludo po kami sa inyo,” pagbabahagi ng singer.
Matteo at misis na si Sarah may pakiusap sa mga Cebuano
Magkasamang nagbigay ng mensahe ang mag-asawang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli para sa mga kababayan ng aktor sa Cebu kaugnay sa kinakaharap na krisis ngayon na dulot ng covid-19. Nai-post ng aktor ang naturang video message sa kanyang Instagram account. “To all the fellow Cebuanos out there, I’d like to introduce to guys the brand new Cebuana, my wife,” nakangiting bungad ni Matteo.
“Gusto lang naming gumawa ng message para sa inyong lahat. Nakita namin ang numbers ng covid-19, tumaas na. Sarah and I, we’ve been praying for each and every one of you guys there to please stay safe. Makinig kayo sa government. Kung lockdown, lockdown. Kung diyan lang sa bahay, diyan lang kayo sa bahay. Please lang, please keep safe,” pagpapatuloy ng aktor sa wikang Bisaya.
“Please do our part to fight this virus by staying at home. ‘Yon lang naman po and God bless,” dagdag naman ni Sarah. Reports from JCC
- Latest