Na-hook na rin si Aga Muhlach sa K drama series na Crash Landing On You. Yup, nabiktima na rin nga ang mahusay na actor ng CLOY nina Hyun Bin, Son Ye-jin, Kim Jung-hyun, and Seo Ji-hye.
Kahapon ay nakadalawang post si Aga sa kinababaliwang series hindi lang ng mga Pinoy. “Grabe naman sa kilig to!?#quarantinepamore #plsstayhome #misskonakayolahat.”
As in meron pa siyang video post ng eksena nito nang habulin ni Yoon Se-ri si Capt. Ri Jung Hyuk sa boarder ng North Korea. May patili pa si Aga sa video at nag-dialogue ng “hinabol’ na siya’ habang kinikilig ang boses.
Hindi makapaniwala ang ibang followers ni Aga na kinikilig siya sa nasabing series na kuwento ng isang wealthy heiress na napadpad sa North Korea at na-in love sa isang military officer.
Actually, medyo late na nga si Aga na-infect ng CLOY fever.
Mas nauna sa kanya si Ogie Alcasid.
Ok lang na sila Anne Curtis, Sharon Cuneta at marami pang ibang sikat na artista ang ma-in love sa naturang K drama pero ibang level pag Aga Muhlach na.
Hahaha.
Consistent na trending sa Netflix ang Crash Landing On You at iba pang Korean drama na ikina-react pa nga ni Direk Erik Matti two days ago. “The daily top ten most viewed on #Netflix shows us how our movies and tv are doomed in the future. K-drama galore. Faux cinderella stories with belofied actors whiter than white. And it’s all about love in the midst of this pandemic. (with emoticons - Hot face, Angry face, Tired face, Face with look of triumph).
Well, kung mga sikat nga nababaliw sa mga K drama, what more ang mga ordinary fans na naka-community quarantine ngayon?
At mismong ang mga celeb pa ang nagpo-promote ng mga favorite K drama series nila so paano hindi totodo sa trending?
Si Anne nga kahapon, katatapos lang panoorin ang Itaweon Class na kasama rin sa nagti-trending sa Netflix at puring-puri niya ang nasabing palabas. “Just finished itaewon class. Such a good story about revenge. Kind of gave me count of monte cristo vibes but of course, with a very different attack. Husay ni park seo-joon. I found him charming in WWWSK so was nice to see a different side of him here.. ” na 10 minutes pa lang ina-upload ni Anne, 2.5k likes na agad sa Twitter.
Well, tama naman na kung gustong mag-trending sa Netflix ni Derik Erik, gawa rin sila ng pang-good vibes. Yung kikiligin ka at hindi malulungkot after na manood.
Uso kasi sa Tagalog movies ang poverty porn, horror na parang ginawa na noong unang panahon, o may metaphor ang concept na pag-iisipin ka pa samantalang kaya ka nga nanood ng sine or series ay para maaliw at mag-relax.
Sana pagkatapos nang lahat ng ito, mag-iba ng direction ang local movies or ibang series na karamihan ay tungkol sa unfaithfulness o patayan.
Ibalik ang simpleng kuwento at ‘wag masyadong trying hard at ‘wag laging isipin ang iilang target market. Sana rin laging andun ang moral lessons.