Jason, na-miss nang kumanta na may audience

Jason

Bilang isang mang-aawit ay hinahanap-hanap na raw ngayon ni Jason Dy na muling makapagtanghal sa harap ng mga tao. Mahigit isang buwan na kasing ipinatutupad sa buong Luzon ang enhanced community quarantine dahil sa panganib na dulot ng coronavirus disease 2019. “Ako, personally sa pansarili kong realizations, nami-miss ko talagang kumanta in front of the crowd. Lalo ngayon lagi nating ginagawa kumakanta tayo sa live pero iba pa rin ‘yung may human interactions, ‘yung may batuhan ng energy. Kasi iba ‘yung kumakanta ka at iba ‘yung nagre-respond sa iyo ng real time tapos nakikita mo kung paano mo sila naapektuhan sa pagkanta mo, sa live lang. Sa online may detachment wala kayong connection talaga,” paglalahad ni Jason.

Samantala, malaki ang paghanga at pasasalamat ng singer sa mga tinatawag na frontliners na silang humaharap ngayon upang pagsilbihan ang mga mamamayang apektado ng covid-19. “Gusto naming magpasalamat sa inyong bravery, sa inyong heroism. Palakpakan natin ang lahat ng frontliners natin. Binubuwis nila ang buhay nila para sa ating lahat. Siyempre saludo kami sa lahat ng nurses, lahat ng doctors. Pero I’d like to take this time also to give a shoutout sa ating grocery personnel, magde-deliver ng pagkain at ‘yung people responsible for keeping everything moving and going about. So lahat ng frontliners God bless you all and we are praying for you, maraming-maraming salamat,” pagbabahagi ng binata.

‘COVID-14’ ni mayor Lani pinag-uusapan pa rin

Kamakailan ay naging katatawanan sa netizens ang video ni Lani Mercado-Revilla na kumalat sa social media.

Mensahe ni Mayor Lani para sa mga kababayan ukol sa coronavirus disease 2019 ang nilalaman ng naturang video. “Ako po si Lani Mercado-Revilla, na nagsasabi po sa ating lahat, sama-sama, tulong-tulong laban po sa covid-14,” mensahe ni Lani.

Nagdiwang ng kanyang ika-limampu’t dalawang kaarawan noong April 12 ang dating aktres. Sa bagong video na uploaded ni Senator Bong Revilla ay sinorpresa ang asawa. Aminado naman si Mayor Lani na nagkaroon siya ng pagkakamali sa naunang video dahil na rin sa dami ng kanyang mga iniisip.

Kahit naging katatawanan ang video ay patuloy pa rin ang Alkalde sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan sa Bacoor, Cavite sa gitna ng krisis sa bansa. “Ginagawa talaga natin lahat ng magagawa para malampasan natin ang mga pagsubok na ito. We all pray na sana mahanap na po talaga ‘yung lunas ng covid-19,” pagtatapos niya. Reports from JCC

Show comments