Derek napa-praning sa COVID, laging kinukumusta ang mga kasama sa bahay!

Derek at Austin

Halos iisa lang naman ang sinasabi ng mga celebrity na nakakapanayam namin ngayong naka-quarantine pa rin tayo na lalong naging close silang pamilya at nakapag-bonding sila nang husto.

Si Derek Ramsay naman, hindi niya nakakasama ang pamilya niya dahil nandito raw siya sa Metro Manila at nasa Tagaytay naman ang magulang niya at mga kapatid.

Ang bonding daw nila ay sa video call lang pero mas na-appreciate raw niya ang pag-uusap nila ngayon kesa nung nagkikita sila.

 “It’s more intimate, emotional and we learn a lot of things pala kahit na magkasama na kami for how many years, buong buhay ko magkasama kami.

I’m learning from my parents, from my sister, from my brother, from their children,” pahayag ng Kapuso hunk actor nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Linggo.

Ang kasama niya ngayon sa bahay ay ang 16-year old son niya at doon na rin daw sila nakapag-bonding nang husto.

Ngayon daw ay nadidisiplina niya ito lalo na’t iba itong pinagdaanan natin ngayon.

Pinapaintindi raw niya sa kanyang anak ang nangyayari sa atin kaugnay sa COVID-19.

 “What I’m trying to teach him is you realize how lucky you are. Ikaw nandito ka, you have food, you have your roof over your head.

May mga tao diyan na naghihirap.

Kaya, dinidisiplina ko siya.

Minsan kasi nagiging spoiled na gusto niya laging nakabukas yung aircon. Sabi ko you have to conserve energy. We don’t know what’s going to happen. We don’t know how long this will take di ba?” saad niya.

Nandun na pumapasok ang adjustment nilang mag-ama dahil hindi naman kasi lumaki sa kanya ang anak.

Kapag nagalit siya sa akin, I cite example, sabi ko these people out there who are hungry, living on the streets. Sabi ko, we should be helping these people, rather playing computer games.

Nakikinig naman siya at nari-realize niya kung gaano kahirap ang mga pinagdadaanan ng mga kababayan natin ngayon.

My son naman, hindi kasi siya lumaki sa akin. Pero ang ini-instill ko talaga sa kanya is be thankful that you are blessed, that you have a roof over your head.

At the same time… don’t ever forget na we should always help people who are fighting for their life every single day.

Yan ang kailangan mong matutunan na tumulong ka. Huwag ka lang mag-Tiktok diyan o mag-ano, kailangan mong matutunan yan,” saad niya.

Lima ang kasama ni Derek sa bahay ngayon kasama na roon ang mga kasambahay.

Pagkagising daw niya sa umaga ay tsini-check daw niya kung okay sila o kung wala silang nararamdaman.

Medyo nakakapraning na rin daw kasi, kaya tinitiyak lang niyang walang may mga nahawa sa kanila.

Pero active rin siya sa pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan gn COVID-19 kagaya nung pagpapadala niya ng relief goods sa mga batang inaalagaan sa isang charitable institution malapit sa kanyang tahanan.

Sumama rin siya sa grupo ng Dunkin’ Donuts na ini-endorse niya na nagdadala ng mga pang-merienda sa mga frontliners sa hospital.

 “Madali lang mag-donate, madali lang ganito to find it in your heart na mag-donate. Pero ang ginagawa ng mga frontliners natin, whether ano ka doctors, nurses, security guards, delivery man. Imagine mo araw-araw binubuwis mo yung buhay mo, risking na magkasakit ka. Risking na pag-uwi mo sa bahay mahawaan mo ang pamilya mo.

Ibang klase yung nararamdaman mo na I was in the presence of the frontliners na hindi ko ma-describe na para akong bata na nakita ko yung pinaka-idol ko nung kabataan ko.

Ganun yung feeling ko na wow na I’m blessed to be in the presence of these people na naka-mask pero nakikita mo yung mga ngiti pa rin nila.

They’re still high-spirited kahit na sobrang stressful ang ginagawa nila.

Sa mga frontliners talaga maraming maraming salamat,” seryosong pahayag ni Derek.

 

Show comments