No reaction pa rin ang actor na si Ping Medina sa pasabog ni Baron Geisler na diumano’y ni-rape nito ang kanyang girlfriend four years ago.
Isang Jan ang nag-umpisa ng kontrobersiya ng diumano’y pangha-harass ng actor (Ping) gamit ang micro blogging site. “He has a history of his behavior which resulted in him getting kicked out from Ateneo. He still hasn’t learned his lesson, obviously. People have reached out to me or are speaking out. Feel free to dm me about it if you’re uncomfortable. I won’t post anything that you’re not comfortable.”
Marami pang ibang tweet si Jan kaya nag-trend si Ping dahil sa diumano’y ginagawa nitong pambabastos sa mga kababaihan kung saan meron pang isang minor na nakisali pero biglang nawala ang account nito.
At doon na nga sumagot si Baron ng tungkol sa kanyang ex gf na diumano’y na-rape nga na rason daw kaya niya noon inihian si Ping sa shooting ng pelikulang Bubog four years ago.
As of this writing, burado na ang tweet ni Baron tungkol doon.
Pero true kayang nilandi din noon ni Ping si Nadine Lustre?
Bukas ang pahinang ito sakaling gustong magbigay ng statement ni Ping.
Mga Hermes addict sabik na sa shopping
Pati ang world tennis player na si Serena Williams nagluluto na habang naka-snow white outfit habang kumakanta-kanta.
Ang cute niya actually. Imagine kung dati talagang sa tennis court siya nakikipag-bakbakan, ngayon naka-snow white outfit siya na nasa kitchen nila sa kanyang IG post kahapon.
Kung sabagay wala ngayong mai-post kahit ang mga Kardashian tulad ni Kim Kardashian na may 165 million followers sa Instagram.
Ang iba mga throwback photos o pets nila.
Anyway, ang shopping ang kinasasabikan ng lahat except sa China na nang magbukas daw ang luxury brand na Hermes sa bansang pinagmulan ng coronavirus, kumita ang banner store ng Hermes doon ng $2.7 million sa isang araw.
As in na-splurge diumano ang mga mayayaman na Chinese.
Ayon sa online report ng businessinsider.com, kasama sa mga nabenta ang rare bags “including a diamond-studded Himalaya Birkin.”
Bukod sa rare bags, kasama rin daw sa mga mabilis na nabenta ang mga tableware, shoes, furniture and leather goods.
Siguradong inggit ngayon ang mga Hermes bag collector na makapag-shopping after the lockdown dahil sa covid-19.
Kasama sa mga kilalang mahilig sa Hermes dito sa atin sina Jinkee Pacquiao and Heart Evangelista.