Matapos magpatawad Cherry Pie, tuloy ang pagtulong sa mga preso

Cherry Pie

Isa si Cherry Pie Picache sa mga artistang tumutulong ngayon sa mga kababayang mayroong pangangailangan sa gitna ng enhanced community quarantine na ipinatutupad sa buong Luzon. Nagpapaabot ng tulong ang aktres sa mga bilanggo at ang tinatawag na children in conflict with the law. “No’ng nag-umpisa tayo ang unang namroblema ay ‘yung mga children in conflict with the law natin. Tapos ‘yung mga pari din na kaibigan namin humingi na kaagad ng tulong. Kasi hindi pa nata-tackle ‘yung issue ng mga minimum wage earners natin, ‘yon na ‘yung pino-problema nila, saka mga homeless,” pahayag ni Cherry pie.

Patuloy ang ginagawang pagtulong ng aktres sa mga preso. Matatandaang hinangaan si Cherry Pie dahil sa pagpapatawad nito sa pumaslang sa kanyang ina ilang taon na ang nakalilipas. “Hindi lang tuwing Semana Santa ang pagpapatawad, especially ngayon hindi ba? Marami tayong papatawarin, marami tayong patatawarin na pangyayari. Ang sa akin ay patawarin na lang at ipagdasal na lang natin,” makahulugang pahayag ng aktres.

Iza nakikiusap na ‘wag pandirihan ang mga biktima ng COVID

Maayos na ang kalagayan ngayon ni Iza Calzado mula sa pagkakaroon ng coronavirus disease 2019 kamakailan. May pakiusap ang aktres sa mga tao na hindi maganda ang tingin sa mga naging pasyente ng covid-19 katulad niya. “Gusto ko lang po mag-appeal sa lahat ng tao. May I just say this ‘wag po natin bigyan ng stigma ang covid-19. ‘Yung mga taong nakararanas, ‘wag po nating pandirihan kasi na-experience ko po ito. Mag-ingat lang po tayo sa kung paano tayo magtanong. ‘Yung ‘pag nagtanong tayo ‘wag na nating tanungin kung saan kaya nakuha kasi sasabihin niya naman sa ‘yo kung alam niya, di ba? Siguro ang importante lang, i-check lang natin sila, kamusta sila, iparamdam natin na nandito tayo para sa kanila. Kasi nakakarinig ako ng stories na may nurse daw na hindi pinapasok ng village. ‘Wag po natin gawin ‘yon kasi ang pinakaimportante po ay maging responsible tayo. The minute na makaramdam ka ng sakit and you think covid na ito, pwede po natin ipaalam agad sa mga nakakasalamuha natin. Kasi karapatan din nila malaman na kailangan nilang mag-ingat. Pero pagkatapos no’n let’s treat each other with compassion and respect talaga,” paglalahad ni Iza.

Hindi na raw kinailangang magpa-test ng asawang si Ben Wintle dahil hindi naman nakitaan ng sintomas ang mister ng aktres. “It took us almost nine days bago makuha ‘yung positive na test. Kasama ko po si Ben at hindi ko po dini-deny ‘yon. PUM (person under monitoring) siya, pero he was never a PUI (person under investigation). Ikaklaro ko lang po, kasi ilang beses kaming humingi ng test para sa kanya pero dahil healthy nga eh, ni isang ubo, nothing, no fever. Hindi siya binigyan ng test kasi nga ang daming mas nangangailangan ng test kit,” paglilinaw ni Iza. Reports from JCC

 

Show comments