^

PSN Showbiz

Pagmumumog ng asin at pag-inom ng maligamgam na tubig puwedeng pamatay ng virus

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Pagmumumog ng asin at pag-inom ng maligamgam na tubig puwedeng pamatay ng virus
Empoy at Alex

Hanggang sa katapusan pa ng buwang ito ang pagpapairal ng enhanced community quarantine. Mahaba-habang panahon pa ang kailangan nating isakripisyo, dagdag na hirap pa ito para sa mga manggagawang walang kinikita, napakabagal pa namang tumakbo ng oras ngayon.

Dati’y nagtataka tayo kung bakit parang napakabilis ng oras, paggising natin ay trabaho na agad, hindi pa man tayo naiinip ay gabi na agad.

Pero ngayon ay ibang-iba na ang sitwasyon, nakakainip ang kabagalan ng oras, parang ang haba-haba ng ating nilalakbay pero wala naman tayong napupuntahan.

Pero para naman sa ikabubuti ng sitwasyon ng ating bayan ang dagdag na panahon para sa ECQ, lalo na’t marami pa rin tayong nakikitang hindi naman nakikinig sa panawagan ng DOH at ng ating pamahalaan na bawal tayong lumabas ng bahay, sila ang tinutukoy ng ating pangulo na hanggang hindi sumusunod ay hindi bababa ang bilang ng mga naapektuhan ng COVID-19.

Pasalamat pa rin tayo dahil sa buong mundo ay nasa ibaba tayo ng listahan, hindi tayo Amerika, Spain at Italy na ang mga namamatay ay hindi na oras ang binibilang na pagitan, minuto na lang.

Sana nga ay matuldukan na ang pinakamatinding problemang sumalakay sa buong mundo. Napakahirap ng sitwasyon dahil hindi naman natin nakikita ang ating kalaban.

May ipindalang mensahe sa amin si Raul Guanio, pinsan naming naninirahan-nagtatrabaho nang ilang dekada na sa Miami, Florida. Kinakitaan namin ng kabuluhan ang kanyang mensahe, na maaari ring makatulong sa ating paglaban, pakibasa po natin.

“Doctors in China confirm, this information is 100% accurate. Very effective for everyone. China has significantly reduced the number of infections in the past few days.

“Beside wearing masks and washing hands, they also gargle salt water three times a day. After that, drink warm water for five minutes. Because the virus initially only attacks the throat. Then attack the lungs.

“When hit by salt water, the virus will die or descend and disintegrate in the stomach. This is one way to prevent COVID-19. There is no medicine in the market. No need to buy.

“The General Hospital stated, before the corona virus reaches the lungs, the virus lives in the throat for four days. At this time, the infected start to cough and sore throat. If you can drink as much warm water as possible, can eliminate viruses.

“Hurry and spread this message. Because you will save someone’s life,” ayon sa mensaheng orihinal na isinulat sa wikang Tsino at isinalin sa Ingles ng isang nagngangalang Liu San Kun nu’ng April 2, 2020.

Alex at Empoy maraming nadala sa Japan

Ipinalabas uli ang matagumpay na pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, ang Kita Kita, na kinunan sa Japan.

Napanood na namin ang pelikula nu’n pero ang sarap pa ring sundan uli, dahil may kakaibang panghalina ang napakasimpleng proyekto, nasa pagiging payak ng pelikula ang naging tagumpay nito.

Para kasi tayong ipinapasyal nina Alex at Empoy sa Japan, ipinakikita sa pelikula ang magagandang lugar na sa pelikula at TV lang natin nakikita, bukod pa sa simple pero emosyonal na kuwento nito.

Puro flashback ang laban ngayon, ipinalalabas ang mga dating serye at pelikula, para lang meron tayong pagkalibangan.

Ang dami-dami pala nating napalalampas na pelikulang Pilipino na kapuri-puri, pero karamihan ay agad na tinatanggal sa mga sinehan, nakapanghihinayang.

Nasisilip din namin ngayon ang seryeng pinagbidahan ng binata na ngayong si Zaijian Jaranilla na May Bukas Pa, makikiluha ka pa rin sa kanyang mga eksena, pero hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin kami kung sino ba ang gumanap na Bro sa serye.

Ang galing-galing talagang umarte ni Zaijian, bitbit pa rin niya ang talentong ‘yun hanggang ngayon, kapag pinanonood siguro niya ngayon ang kanyang pag-arte nu’ng bata pa siya ay palihim na lang siyang napapangiti na may kakambal na pagmamalaki.

Tunay namang maipagmamalaki ang mga talentong Pinoy na tulad ng sa kanya, Payak, simple, pero kumakagat sa puso ng manonood.

ALESSANDRA DE ROSSI

EMPOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with