^

PSN Showbiz

Eric kinantahan ang COVID patient

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Eric kinantahan ang COVID patient
Eric

Ang ganda rin ng version ni Eric Santos ng I’ll Never Go for covid patients.

At touch na touch ang friend naming si Ms. Pinky Tobiano na dedicated din ang nasabing kanta sa husband ng kanyang bestfriend na si Ranie Santos na infected ng coronavirus na favorite pala si Erik.

Chika ni Ms. Pinky, Ranie is still in the hospital but recovering well. “Sobrang na-touch ako kay Erik. He sent me a video message and sang for the couple. Sobrang selfless. And Ranie feels so much happier in the hospital and praying na mag-negative na ang covid retest niya.

“Sobrang bait ni Erik. I just want to share this with you so we read more about happy stories,” kuwento ni Ms. Pinky na ang kanyang company ang nagpo-produce ng Sanivir Smoke (Smoke disinfectant) na pangontra sa virus.

Proven na to kill virus  ng iba’t ibang research abroad ang Sanivir Smoke. Dagdag ni Ms. Pinky, effective ito for seven days against the dreaded corona virus  lalo na sa mga opisinang tuloy ang operations through skeletal force.

Nakaka-paranoid kasi talaga ang coronavirus kaya talagang dapat mag-ingat tayong lahat.

Meant To Be balik-primetime!

Wish granted para sa fans dahil muling magbabalik sa primetime ang top-rating 2017 series na Meant To Be!

Simula nang mag-taping break ang mga programa ng Kapuso Network dahil sa banta ng COVID-19, isa na ito sa mga highly-requested na ipalabas muli.

Pinagbibidahan ito ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, kasama ang apat niyang leading men na sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Jak Roberto at Addy Raj. Matatandaang hit na hit sa viewers ang nakakakilig na serye kung saan apat na nagga-gwapuhang lalaki ang na-inlove sa iisang babae.

Muling balikan ang kwento nina Billie (Barbie), Yuan (Ken), Ethan (Ivan), Andoy (Jak), at Jai (Addy) simula ngayong Lunes (April 6) pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad!

ERIC SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with