^

PSN Showbiz

Mayor Donya at Mayor Vico hindi pinatos ang pagla-loveteam

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Donya at Mayor Vico hindi pinatos ang pagla-loveteam
Mayor Donya

Hindi naki-ride si San Manuel Tarlac Mayor Donya Tesoro sa playtime ng ibang netizens na pagla-loveteam sa kanya kay Pasig Mayor Vico Sotto.

Nagpa-hashtag siyang wala siyang time for love sa kasalukuyan.

Wala nga naman sa timing at hindi tamang magpakilig pa ang ibang nasa bahay lang at nakatutok sa mga pangyayari sa covid-19 sa social media.
Ang mga local official ngayon ang busy sa nangyayaring krisis dala ng covid-19 sa buong bansa kaya mas dapat talagang unahin nina Mayor Vico and Mayor Donya ang mga constituent nila at may tamang oras nga naman para sa lovelife nila.

Beauty and brains si Mayor Donya. Kahit sino puwedeng ma-in love sa kanya at ma-PR. Ang husay niyang sumagot sa mga interview.

Nang mag-guest siya sa Take It… Per Minute (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu, kita mo kung gaano siya ka-articulate.

Anyway, parehong millennial mayor sina Mayor Vico and Mayor Donya kaya bagay naman sila.

Baka after the pandemic, magkaroon sila ng chance.

Chinese and Taiwanese dramas biglang pinag-interesan

Pati mga Chinese and Taiwanese drama napanood ko na dahil sa ‘stay home’ policy kaugnay sa covid-19.

Ok din naman ang Chinese and Taiwese drama pero parehong hindi sila conscious sa continuity ng mga eksena.

Yup, minsan dinner ang eksena pero ang exterior scenes, may araw.

Pero mas bongga ang Chinese drama kesa sa Taiwanese na maraming corny factor.

Saka ang bagal din ng phasing ng iba nilang palabas, as in, kakainip. Pero laging andun ang lesson learned and redeeming values.

Iba pa rin ang Korean dramas at siyempre ‘yung mga drama series natin. Intense masyado ang mga story natin at ma-violence.

Anyway, tigil ang taping ng lahat ng TV series ngayon at ang mga umereng drama series ng ABS-CBN and GMA 7 ay dati nang napanood.

Kaya naman maraming artista ang abala rin sa fundraising, Tiktok, cooking at kung anu-ano pang paandar habang may lockdown.

Pero meron din naman nagmamagaling lang at hindi binabasa ang issue, title lang ang nabasa todo comment na. As in ‘yung iba talaga walang fact check or hindi binasa ang buong story, comment na agad.

‘Wag ganun. Hindi makakatulong sa mga pangyayari.

Summer filmfest malabo nang matuloy?!

Kahapon sana naka-schedule ang Parade of Stars ng 1st Summer Metro Manila Film Festival.

At sa April 11 to 21 sana ang actual showing ng eight official entries  na :

Isa Pang Bahaghari starring Nora Aunor

The Missing starring Joseph Marco and Ritz Azul

Tagpuan starring Alfred Vargas, Iza Calzado, and Shaina Magdayao

Love The Way U Lie starring Xian Lim, Kylie Verzosa, and Alex Gonzaga

Ngayon Kaya starring Paulo Avelino and Janine Gutierrez

Coming Home starring Jinggoy Estrada and Sylvia Sanchez

Love or Money, starring Coco Martin and Angelica Panganiban

A Hard Day starring Dingdong Dantes.

Parang magaganda sana ang line up pero sadly, malabo pa itong matuloy hanggang matapos siguro ang summer dahil nga sa covid-19.

So matutuloy pa kaya ang kauna-unahan sanang Summer filmfest?

Or ito na lang kaya ang magiging entries sa December?

DONYA TESORO

RITZ AZUL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with