Mga restaurant tiyak na dadagsain pagkatapos ng lockdown!
Suwerte ng mga restaurant at eateries. At least pagbukas nila, bago ang mga supply dahil siguro ‘yung mga nakatago nilang supplies inubos nila ngayong may lockdown kesa masira.
Sure ako sa Annabels restaurant at Victorino’s nag-share sila ng mga pagkain sa mga staff nila at employee.
Naging mahigpit ang social distancing kaya talagang kailangan silang isara, ang mga restaurant lang na may take out ang nagbukas. Eh laging puno ang pantry nila kaya sure ako na sa mga staff nila ‘yun nai-share.
At siguro ganundin sa ibang resto na sarado.
Siguro now ay miss mo na food nila Salve kaya dapat pagkatapos ng lockdown, mag-chikahan agad tayo dun para eat ang mga food na na miss natin.
Let’s do it.
Mga parlor inaasahang mapupuno rin...
Sure ako na pagkatapos ng lockdown, pinakamaraming tao sa beauty parlor at banks. Beauty parlors tulad sa Bambbi Fuentes para ang mga babae ay magpa-color ng hair, mani-pedi, pagupit.
Noong last Monday nga bago nagkaroon ng community quarantine, ang daming tao sa salon ni Bambbi Fuentes sa Timog, parang alam nila na magkakaroon ng one month lockdown. Kahit sa mga bank din dahil inayos nila ang account nila.
Natawa nga ako sa sinabi ni Gorgy Rula na parang hospital ang Metrobank Timog dahil lahat naka-mask at merong mga protective shields ang mga teller.
Bongga talaga. Kaya dapat first day pagkatapos ma-lift ang lockdown huwag ka muna labas ng bahay dahil sure na magkakaroon ng rush everywhere, to see how our streets are after the quarantine.
Tiyak lahat ng tao parang mga bata na sabik sa recess kaya susugod, usyoso, makikipag-kuwentuhan.
Hay naku, pipilitin nating maging normal uli ang takbo ng buhay natin. Malapit na iyan, huwag ka sobra excited Salve, hintayin mo lang, darating din.
Bernard aligaga sa covid activities
Naku alam n’yo naman si Bernard Cloma parang ako na sa lahat ay may eksena. Pero bongga naman dahil kasama siya ni Champ Manny Pacquiao at Mama Jinkee nang ibigay ang mga mask at testing kits na bigay ni Jack Ma sa Camp Aguinaldo para sa mga sundalo natin sa checkpoints.
At bonggang Bernard na talagang nag-aalok ng mga alcohol sa mga kaibigan dahil meron yata siyang na PR na alcohol dealer. Hahaha.
Talagang ang the height kung saan-saan siya lumilibot ha, parang lahat ng bayan may quarantine pass siya ha.
At hinayang na hinayang dahil nga natigil muna ang negotiation niya kay Floyd Mayweather sa boxing rematch nila ni Papa Manny.
- Latest