Nag-usap kami ni Cristy Fermin sa phone at nalimutan niya na tatlong Tuesday na tayong walang Take It... Per Minute! (Me Ganun) Salve.
Pinipilit niya ako na dalawang Martes pa lang pero siguro sinabi ng mga angel niya na sina Tina at Japs na three Tuesdays na nga. Talagang magkakaroon ka ng disorientation ‘pag hindi ka lumalabas ng bahay. Dahil sa katutulog mo hindi mo na halos alam ang oras at araw.
Parang ang bagal ng takbo dahil nga halos wala kang ginagawa, naiinis na nga yata sila Mel sa akin dahil kung anu-ano ang naiisip kong ayusin.
Pero one good thing, dahil nga siguro wala yung stress sa labas ng bahay, hindi ko na napi-feel ang sakit sa balikat ko na gustung-gusto ko ipamasahe. Dahil sa katutulog yata hayun, nawala.
Life will go back to normal pero palagay ko for the longest time hindi natin malilimutan ang one month long na pag-stay sa loob ng bahay. Hindi na natin malilimutan na huminto ang hectic life natin sa labas, at maiisip nating puwede pala naman na nasa loob ka lang ng bahay. Marami palang activities na puwede at hindi ginagawa, na ang daming clutter sa buhay natin na hindi naman dapat.
Meron din tayo dapat ipagpasalamat kay coronavirus, binuksan niya ang mga mata natin sa maraming bagay.
Mga artistang may malasakit, ‘nagpakilala na’!
Ngayon ay nakita na ng mga showbiz writer ‘yung mga artista na may compassion sa kanila. Hindi ko na babanggitin pero ‘yung mga nangungumusta, nagsabi na tawagan sila kung may kailangan, yung iba nga nagkusang magpadala kahit konting tulong lang.
Now we know na hindi lang pang-showbiz ang tingin at turing sa ating reporters.
Kataba ng puso ang concern nila, appreciate much ang text o call, at higit sa lahat ang offer ng tulong kung kailangan.
Now you really know that small things mean a lot, that a peso is considered thousand, that a word of love will make you feel light. Sa kanila, our forever thanks, we will never forget your concern and love during this time. You made us feel so important. We love you, hindi ko na ime-mention ang mga pangalan n’yo but I will keep you in my heart and mind forever. Thank You.
PSN at PM tuloy pa rin sa serbisyo sa gitna ng pandemic
Bongga ka Salve ha. Yung PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang Masa) na lang ang nakikitang tabloid ni Mel, at tanong niya kung bakit eight pages na lang tapos two pages pa ang entertaintment.
So proud si Mel, na sabi sa akin yung dalawa na maliit na diyaryo at Phil Star daw ay walang hinto sa paghahatid ng balita ha. Patunay sa credibility ng PhilStar group of companies pagdating sa news.
Thank you kay Papa Miguel Belmonte at Atty. Ray Espinosa dahil tuluy-tuloy ang newspaper kahit sa gitna ng pandemic ngayon. Bow talaga ako.