Naku Salve ha, ayaw ng netizen ang pasasalamat ni Papa Digong Duterte after his speech sa mga sponsor na nagbigay ng tulong sa gobyerno sa fight against coronavirus. Hahaha!
Parang ako lang raw sa Startalk na bati ng bati sa sponsors ko.
Pero siguro dahil nga Presidente si Papa Digong kaya ayaw ng tao, pero pagpapakita lang iyon ng appreciation mo sa mga magandang bagay na ginawa sa iyo.
Overwhelming ang buhos ng tulong para malabanan ang pandemic na ito at hindi ko masisisi si Papa Digong na pasalamatan ang mga nagtiwala na magbigay ng tulong sa gobyerno.
Kalokah naman na iyon mga konting bagay pinupuna pa natin, mga bagay na kung iisipin mo hindi naman ganun kaimportante para pansinin mo at hindi naman makakasira sa maayos na takbo ng mga pangyayari.
Kahit sino na nagbigay at pinasalamatan matutuwa na napansin ang pagtulong niya at siguro iyon na lang ang way ni Papa Digong to express his gratitude.
Huwag na tayo masyado manghusga.
Dami nang problema, huwag na dagdagan. Tulong na lang mas mabuti pa.
Special treatment sa mga nurse magtuluy-tuloy sana
Tama ang panawagan ng isang nurse na sana pagkatapos ng pandemic na ito nakita na ng lahat ang kahalagahan nila.
Sana hindi lang natin sila binibigyan ng importansiya, sana kahit wala na ang COVID-19 ay ituloy pa rin natin ang pagmamahal sa kanila. Taasan na ang suweldo, gandahan ang perks, iyon amenities nila.
Huwag na natin payagan piliin nila ang ibang bayan at dito na lang sila sa Pilipinas mag-stay.
Sana lahat ng special treatment na binibigay natin sa kanila ngayon tuluy-tuloy na.
Huwag natin pabayaan mapunta sa wala ang pagod nila, dapat habang buhay na natin love ang mga nurses natin. I love you nurses. Salute to all the nurses.
Dates hindi na puwedeng i-recycle
Halos lahat ng sitserya sa bahay ko nakain ko na. Iyon mga bigay ni Mama Chi at Florabel inubos ko na. Yungg mga crispy dilis, mani, mushrooms chips, banana chips, lahat na ng makita ko.
Pero isang nagtaka ako na dati hindi ko type pero now bigla nagustuhan ko iyon dates. Noon pag meron nagbigay sa akin ng dates mula Saudi or Middle East, wala lang hindi ko pansin. Pero masarap pala siya at ma-fiber, at hindi siya masyadong matamis. Nagtaka lang ako ng meron akong makitang fresh dates sa supermarket ang mahal niya.
Hay naku, now pag may nagbigay sa akin ng dates hindi ko na siya ire-recycle, promise, eat ko na siya, hahaha, masarap pala siya.