Kim hindi bibili ng itim na kotse
Hindi pinangalanan ni Kim Chiu ang real target sa pang-a-ambush sa kanyang van almost a month ago pero nakipag-communicate daw ito sa mga bossing niya sa ABS-CBN.
Sa kanyang YouTube channel nga ay nagkuwento na si Kim na ginawan pa ng issue ng dating TV and radio personality na Jay Sonza na fake ambush. “Nag-text sa akin ‘yung isa sa mga boss namin (sa ABS-CBN) na nag-message raw ‘yung dapat na para sa kanya ‘yung bala. Na pakisabi raw sa akin na pasensiya, pakisabi raw sa akin na ‘wag daw akong mag-alala dahil hindi para sa akin ang bala,” kuwento ni Kim sa kanyang vlog habang nasa quarantine.
Nakausap na ng lawyer niya ang nasabing real target na magpapa-interview talaga sana pero natakot daw para sa kanyang pamilya.
“Para akong nabunutan ng tinik, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam ‘yung nararamdaman ko dahil ang daming tumakbo sa isip na ‘paano kung tumama sa akin, hindi pala para sa akin.’ Maraming paano, maraming bakit,” kuwento ng actress na itinanggi rin na bullet proof ang sasakyan niya kaya hindi siya tinamaan ng bala.
Ramdam ni Kim na miracle ang nagligtas sa kanya, sa personal assistant at driver niya.
“God moves in mysterious ways. Nandiyan Siya sa mga panahon na hindi natin inaaakala na nandiyan Siya.
“So, ‘yung nangyaring ‘yun, isa siyang milagro. Pinoprotektahan Niya tayo sa araw-araw,” sabi pa niya.
Natutulog si Kim nang mangyari ang insidente at kung ‘yung usual routine niya na nagbabasa ng script sa kotse habang papunta sa taping ng Love Thy Woman, malamang napuruhan siya.
Ang driver niya rin daw na karaniwang nakadikit sa manibela ay isinandal ang katawan sa upuan kaya nilampasan ito ng bala.
Ang puwesto ng personal assistant niya ay hindi rin nasapol dahil sa tagiliran tumama ang bala.
“Mahirap pong paniwalaan, pero totoo. Sobra pong totoo. Parang naging stronger ang faith ko, naging stronger ang pasasalamat ko, and way din ito para i-share ko sa inyo na nandiyan lang ang Panginoon every day, every second, every minute, buong buhay natin, nakagabay ang Panginoong Diyos,” kuwento pa ng Kapamilya actress sa mala-teseryeng eksena na naranasan na habang papunta sana sa taping.
Ang hindi lang natanggap ni Kim ay ang comment na parang hindi naman totoo yung nangyari dahil mabilis siyang naka-recover sa nangyari at nag-taping pa siya pagkatapos ng insidente.
As in wala man lang daw siyang katiting na trauma o stress.
Sa kaso niya nagkaroon daw siya ng debriefing at base sa analysis, wala siyang trauma.
Hindi na lang binanggit ni Kim ang pangalan ni Jay Sonza pero nagtataka siya kung bakit pinagbibintangan siyang fake ambush ang nangyari.
“Gusto ko lang tanungin, kailangan ba talaga, may matamaan, may mamatay, mayroong masaktan para sabihin n’yo na totoo ‘yung nangyari?”
May point naman talaga.
So asan na kaya ang credibility ni Mr. Sonza?
Anyway, ayon sa source, ibebenta nila Kim ang nasabing black van at hindi na uli bibili ng black car kung saan maraming ‘kapatid’ sa kanilang subdivision.
- Latest