^

PSN Showbiz

Alex: ‘I-share natin kung ano ang mayroon tayo!’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alex: ‘I-share natin kung ano ang mayroon tayo!’
Alex

Kahit nananatili lamang sa bahay ngayon ay sinisikap pa rin ni Alex Gonzaga na makatulong sa mga kababayang nangangailangan sa Taytay, Rizal.

Maraming mga Kapamilya ang apektado dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine lalo na ang mga umaasa sa arawang kita mula sa trabaho. Hangad ng buong pamilya ng aktres na makatulong sa kapwa sa gitna ng krisis na kinakaharap ngayon ng buong bansa.

Hinihikayat ni Alex na kung maaari ay manatili na lamang ang lahat sa kanya-kanyang bahay upang makaiwas sa pagkahawa sa coronavirus disease 2019 o covid-19. “Nag-uusap kami ng ate ko, noon, hindi naman kami gano’n kaganda ang buhay. Kunwari nasa grocery ka, alam mo na kailangan mong mag-stock ng maraming pagkain dahil magla-lockdown pero kulang ang bud­get mo. Alam mo ‘yung pakiramdam na sapat na sapat lang ang mayroon ka. Kami as a family, we always try to help dahil gusto naming iparating sa kanila na may help on the way. Para lang makarating sa kanila na pwede na sila mag-stay sa bahay, pwede na silang hindi mag-risk ng kanilang health para makakuha ng pagkain kasi may papara­ting na tulong. Kahit nandito ka sa bahay, pwede ka pala gumawa ng something na ikakalugod ng iyong pakiramdam. Siyempre nakakalungkot din na hindi mo mabibigyan lahat. Kung pwede lang bigyan lahat,” pagbabahagi ni Alex.

Naniniwala ang aktres na malaki ang maitutulong ng pagdarasal upang matigil na ang paglaganap ng covid-19 at maging maayos na ang kalagayan ng lahat. “Magdasal po tayo, ipagdasal natin, mabigyan tayo ng hope. At sa atin namang mga Kapamilya na blessed ni Lord nang sobra-sobra, maybe it’s time na we become a blessing to other people na ibigay natin o i-share natin kung ano ang mayroon tayo. Just hold on dahil God will always provide,” pagtatapos ng dalaga.

Pokwang nerbyosa, mas naging madasalin

Mula nang magdeklara ng community quarantine si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa ay nakailang beses nang tumulong si Pokwang sa mga kababa­yang naglilingkod sa kapwa. Naghanda ng mga pagkain ang komedyana at ipinamahagi sa health workers, pulis, sundalo at mga kababayang kapus-palad na walang kinikita sa ngayon.

Ayon kay Pokwang ay isang malaking pagsubok lamang ating nararanasan ngayon dahil sa panganib na dala ng coronavirus disease 2019. “Para bang sinabi ni God na, ‘Mga anak, stop, stop muna.’ Can you imagine, nahinto lahat. Siguro nakikita Niya na masyado na tayong busy. It’s about time na ako naman muna. Ang daming nahinto, maging ang importanteng trabaho . It’s about time na pagsama-samahin natin ‘yung mga dasal natin para sa mga lumalaban sa virus na ito, especially ang frontli­ners natin. Ako nerbiyosa ko kaya dasal ako nang dasal. Ngayon mas dumoble talaga hindi lang para sa sarili ko, sa pamilya ko kung hindi para sa lahat nang may pinag­daraanan ngayon, buong mundo. Dapat talaga kung naging madasalin tayo pwede sana ay triple pa natin,” nakangiting pahayag ni Pokwang.

Para sa aktres ay ito rin ang tamang panahon  upang humingi ng kapatawaran sa kapwa ang isang taong mayroong pagkakasala. “Sana hindi pa huli ang lahat. Sa pamilya natin, alamin natin kung ano ang pagkukulang natin sa isa’t isa. Magnilay-nilay tayo, magsabi ng ‘Sorry,’ Kung nahihirapan tayo na magsabi ng I love you, it’s about time, bumawi na tayo,” dagdag pa ng ko­medyana.  (Reports from JCC)   

ALEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with