^

PSN Showbiz

Direk Joel apektado, burol ni Menggie Cobarrubias hindi puwedeng dalawin

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direk Joel apektado, burol ni Menggie Cobarrubias hindi puwedeng dalawin
Menggie Cobarrubias

Hanggang sa pumanaw ang beteranong aktor na si Menggie Cobarrubias, hindi pa kumpirmado kung sanhi ba ng COVID-19 ang kanyang pagkamatay dahil pneumonia ang unang napabalita.

Nagpa-COVID test pa lang ang aktor at hindi pa rin lumabas ang resulta ng naturang test.

Hindi iyun ang nagpigil kay direk Joel Lamangan para puntahan ang aktor sa hospital.

Kuwento sa amin ni direk Joel nang nakatsikahan namin sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Huwebes ng gabi, tinawagan daw siya ng ka-brod niya sa APO dahil pareho silang magka-fraternity ni Menggie.

Iyun daw ang nakausap ng asawa ng namayapang aktor, kaya nag-decide na raw siyang puntahan sa hospital sa Alabang.

Nagpahanap pa nga si direk Joel ng Personal Protective Equipment na parang astronaut para maprotektahan ang sarili kung sakaling COVID-19 nga ang ikinamatay ni Menggie.

Pero pagdating daw sa checkpoint ng Alabang, hinarang daw sila at hindi pinatuloy. Kaya hindi rin siya nakatuloy sa hospital.

Ibang kalungkutan ang naramdaman ni direk Joel dahil namatay si Menggie na hindi ito napuntahan ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Magkamag-anak daw sila ni Menggie dahil Cobarrubias ang middle name niya, pero medyo malayong kamag-anak na raw. “Si Menggie ay matagal ko nang kaibigan. Panahon pa ni (Lino) Brocka, pareho kaming artista ni direk  Brocka. “Mahusay na artista si Menggie at mabuti siyang tao. Mabuti siyang kaibigan.

“Kahit malayo  na kaming kamag-anak, ang turing namin parang malapit kaming kamag-anak,” pakli ni direk Joel.

As of presstime wala pang sagot ang asawa ni Menggie kung ano ang plano nila. Nakakalungkot lang dahil sa mahirap makapunta sa burol gawa ng lockdown at social distan­cing.

Iza hindi totoong naka-cardiac arrest

Doon din sa hospital na na-confine si Menggie ay nagpapaga­ling si IzaCalzado, pero hinihintay pa rin ang resulta ng COVID test.

Medyo na-upset lang ang manager ni Iza na si Noel Ferrer nang nakatanggap siya ng text nung Huwebes ng gabi mula sa isang TV reporter na hindi magandang balita tungkol kay Iza.

Nakakagulat lang daw talaga yung pagkalat ng fake news na sinabing nagkaroon daw ng cardiac arrest ang Kapamilya actress.

Pero ang sabi ni Noel, ang paniniwalaan lang niya ay ang news galing sa asawa ni Iza na si Ben Wintle.

Wala naman daw sinabi si Ben, kaya hindi niya pinaniwalaan ang kumalat na balita.

Kahapon ay naka-text ni Noel si Ben at pinasinungalingan ang balitang kumalat.

Okay daw ang kalagayan ng aktres, at maayos daw ang paghinga nito.

As of yesterday ay hinihintay pa rin daw nila ang resulta ng COVID-19 test na mukhang matatagalan pa. Kaya iyun lang daw ang ipinapangalangin nilang lahat na sana negatibo siya sa COVID-19.

Wedding anniversary nina Bong at Lani, virtual ang celebration

Sa totoo lang, tapos na ang 14-day self quarantine ni Sen. Bong Revilla, hindi pa rin daw dumating ang pangalawang COVID test niya kaya nag-iingat pa rin siya.

Pero wala naman daw siyang nararam­daman sa sarili kaya tingin naman niya negative siya sa sakit na ito.

Si Mayor Lani Mercado rin kasi ngayon ang naka-self quarantine kaya hindi pa rin sila puwedeng maglapit.

Nakakatuwa nga nung ipinagdiwang nila ang kanilang 34th wedding anniversary, nag-post lang sila ng kuha nilang magkalayo at nag-flying kiss.

Flying kiss at imaginary hug lang daw ang ginawa nilang mag-asawa.

Happy anniversary kina Sen. Bong at Mayor Lani!

MENGGIE COBARRUBIAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with