^

PSN Showbiz

Mga pinagawang tent ni Angel,may stylist pa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga pinagawang tent ni Angel,may stylist pa

Sosyal ang mga tent ng Team Angel Locsin for frontliners, may stylist pa.

Bukod sa air conditioned ito, maximum of 5 persons lang ang puwede sa tent.

Complete din with new pillows at ang mga shooting bed na naka-set up galing kina Anne Curtis, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Vice Ganda, Ria Atayde, Paulo Avelino, Lorna Tolentino at iba pang showbiz friends nila.

Nai-turn over na ni Angel sa local government ng Taguig ang mga naunang tent na magagamit ng mga frontliner natin na nahihirapang sumakay para makauwi at makabalik ng kani-kanilang pinagsisilbihang hospital.

Dear ng FDCP para sa mga naging jobless sa Covid, activated na

Activated na ang Disaster / Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) starting March 23, 2020 na “pursuant to the Presidential Proclamation No. 922, Series of 2020 declaring a State of Public Health Emergency throughout the Philippines relative to the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).”

Matutulungan nito ang mga audio-visual workers na biglang nawalan ng trabaho at hindi eligible na tumanggap ng government instituted benefits from other government agencies.

Kaya pasok dito ang mga freelancer kasama na ang mga technical crew and production staff na no-work no pay status, sa mga showbiz worker na hindi affiliated with a company na ang kinikita ay hindi lalaki sa P 20,000.00 a month. Nationwide ang coverage ng nasabing program ng FDCP.

Ang mga magkaka-qualify ay tatanggap ng one time cash financial assistance of eight thousand pesos ­(P8,000), tax free.

Sa mga gustong mag-avail, ini-encourage silang mag-submit ng application sa  FDCP from March 23 – April 23, 2020 or within 30 days of the activation ng DEAR. Online submissions via email to [email protected] are preferable and hard copy applications are discouraged.

Kaya mas mabilis ang magiging proseso nito.

Pero meron pa rin silang drop boxes for DEAR applications  sa FDCP office at 855 T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila starting March 23, 2020.
 Marami-raming requirements ang kailangang i-provide pero kung legit worker ka ng movie industry, wala kang magiging problema.

Please visit their website for more details.

Ang movie extras talaga ang casualty dito dahil wala silang back up na company na magbabayad sa kanila habang naka-quarantine ang lahat.

Ang suwerte ay ang connected sa malalaking network, like ABS-CBN na tuloy ang suweldo and benefits ng mga empleyado nila, inulit din ng GMA 7 na continues din ang financial assistance nila for Kapuso employees, talents and support personnel. At ang estimate nila aabot sa P350 million ang halagang gagastusin nila para sa salaries, cash equivalent of rice benefits and cash advances habang naka-skeletal force ang Kapuso network.

Inilunsad na rin ng socio-civic arm ng network, GMA Kapuso Foundation, ang Labanan ang COVID-19 campaign for frontliners against COVID-19. Ang malilikom na funds ay gagamitin sa pagbili ng face masks, rubbing alcohol, hand sanitizers and gloves for medical workers of public government hospitals sa mga border point.

Meron na rin silang Operation Bayanihan : COVID-19 fund raising na tutulong naman sa mga mahihirap na mga Pinoy na hindi makagalaw dahil nga coronavirus.

ANGEL LOCSIN

PDCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with