‘Ingat muna tayong lahat, tsismisan pagkatapos ng Covid’

Wow Salve, second Tuesday na natin na wala tayong Take It... Per Minute! (Me Ganun).

Tuwing Martes maaga akong nagigising at pumupunta sa Bambbi Fuentes Salon.

Pagdating ng alas-onse, sabay-sabay tayong kumakain nila Cristy Fermin at Mr. Fu. Chicahan na mas mainit pa kaysa sa napapanood dahil talagang off the records talaga ang lahat.

Pagdating ng 12 hanggang 1 ng hapon, tawanan lang sa show hanggang matapos.

At pagkatapos hindi pa tayo agad umuuwi, kuwentuhan pa uli.

Grabe, na-miss ko talaga. Pati sila Tina, Japs, PJ, Richie, Ogie Narvaez, Karen at Rexy.

Iyon paminsan-minsan pagdalaw ni Ogie Diaz. At iyon mga pagbati mula sa abroad.

Sana safe lahat sila at hintayin ang pagbabalik natin.

we miss you guys, basta ingat lang tayong lahat, matatapos din ito. ang mga pilipino na matindi ang pasensiya at pagkatapos nito, tsismisan uli tayo ha.

pramis ‘yan.

One pair of hands, uplifting

Narinig mo na ba Salve iyon kantang One Pair of Hands?

Ang ganda pala ng lyrics nito, very spiritual.

Ewan ko kung tama iyon nabasa ko na si Elvis Presley ang kumanta, pero iyon ang nakalagay sa video na napanood ko.

Hindi ko malimutan iyon lyrics na ang 2 kamay ni God ang gumawa sa atin, gumawa ng mga milagro at iyon din dalawang kamay na iyon ang yayakap at magbibigay sa atin ng protection.

So meaningful, so uplifting, at ang ganda ng kanta na parang humimas sa puso mo habang pinakikinggan mo.

True, God made us, God will never destroy us.

Sa mga ganitong panahon, we have all the chance to say sorry and thank you.

Faith is to believe in what you don’t see, the reward of this Faith is to see what you believe.

God is good, all the time. ‘Wag tayong mawalan ng pag-asa. Kaya natin ito.

Show comments