May napulot na naman ako sa napanood kong Koreanovela, Salve.
Dahil sa enhanced community quarantine panay ang nood ko ng K drama ha na kahit sa edad kong ito na 73 na sa May, marami pa rin akong natutuhan.
Ang paghahanap daw ng friends hindi parang parking space. Kasi raw iyon parking space basta may nakita kang bakante, ipa-park mo dun ang sasakyan mo eh ang friends daw dapat pinipili. Dapat iyon maayos, puwedeng makatulong sa iyo, someone who can fill up sa wala ka.
Kaya dapat mapili ka sa friends na iki-keep mo dahil kahit paano they can shape you or destroy you.
Ang ganda ‘di ba?
At totoo, kasi in our journey sa buhay iyon katabi mo ang kasama mong nagmamaneho kung saan iyon path na lalakaran m.
In fact, usually iyon friend mo pa nga ang nagiging malaking influence sa iyo, kaya dapat ang magiging kaibigan mo mga tao na can complete you, iyon makakatulong para ang mahina mong qualities ay mapalakas niya.
Kaya napaka-importante ng kaibigan sa buhay natin, dapat may good qualities ito na kahit konti lang circle of friends mo pero matibay at top of the line ang quality, mas maganda.
Aanhin mo maraming friends kung wala naman maidadagdag sa pagkatao mo?
Maraming rich asian, kanya-kanya ng tulong
Nakalimutan kong pasalamatan iyon mga basurero, janitress, messengers na hanggang ngayon trabaho pa rin ang inaatupag kahit hirap sa transportation at takot sa corona virus.
Isipin mo na lang kung sa lockout na ito wala ang mga garbage collector eh ‘di ang dumi na ng bayan natin.
At dahil bukas ang mga importanteng establishment, iyon mga security guard, janitress at messengers pumapasok pa rin dahil nga sa no work no pay policy ang umiiral sa kanila. Hindi naman sila puwedeng work from home.
Kaya sana naman isali sila sa mga tutulungan ng gobyerno, mga low earner na hindi puwedeng mag-absent dahil agency ang may hawak sa kanila.
Sa oras na ito talagang iyon mga bukas-palad na mga tao ang puwede mong lapitan para sa tulong.
At in all fairness, maraming rich Asians ang tumutulong.
Iyon lang naman ang dapat sa buhay, pay forward na every blessing you get, try to share it.
Malaki ang magagawa ng konting kindness na puwede natin ibigay.
Sabi nga iyon piso, isang milyon ang tingin mo pag kailangan mo.
So kahit paano, kahit konti lang tulong tayo. It will go a long way at magaan pa sa dibdib.
Gawin na natin.