Namatay kahapon ang American singer na si Kenny Rogers na sumikat noong 1970s and 1980s sa kanyang mga country and pop songs. Siya ay 81 years old. “Rogers passed away peacefully at home from natural causes under the care of hospice and surrounded by his family,” ayon sa social media update ng kanyang pamilya.
Kasama sa kanyang mga pinasikat na kanta ang The Gambler, Through the Years, You Decorated My Life, Coward of the Country at marami pang iba.
ABS nag-donate ng p100 m sa pantawid…, Regal nagbigay din
Magdo-donate ang Regal Films ng P1 million sa pamamagitan ng Pantawid ng Pag-ibig fund-raising campaign ng ABS-CBN.
“On behalf of Regal Entertainment, Inc. family, it is in our extreme consciousness to be able to help our fellow Filipinos in this time of crisis. Regal will donate Php1M to the Filipinos through ABS CBN. Let’s all fill love for each other and positivity to overcome this crisis. Much love, Regal Family.”
Nauna nang nag-donate ng P100 million ang Lopez Group of Companies sa Pantawid ng Pag-ibig.
“Sabi ng presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak : “Hangad po namin na walang magugutom sa panahong ito. Tulad sa lahat ng ating mga pinagdaanan, ang magliligtas sa atin ay ang pagmamahal sa isa’t isa.”
Anyway, bago ang enhanced community quarantine dahil sa covid-19, matinding pinag-uusapan ang franchise renewal ng ABS-CBN.
Nakatakdang ma-expire ang franchise nila sa May.