Barbie at Jak, babad sa video call
Hanggang video call lang muna, tawagan o text ang koneksyon ngayon ng magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto.
Nakatsikahan namin si Barbie sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH nung isang gabi at isang linggo na nga raw silang naka-quarantine sa loob ng bahay na feel Barbie at Jak, feeliing daw niya isang taon na sa tagal.
Sabi ni Barbie, mabuti na lang daw at meron siyang napapanood sa Netflix at ang matagal na raw na nakatengga na mga libro sa bookshelves nila ay nababasa na raw niya.
Sinusubaybayan daw niya ngayon ang Blacklist sa Netflix at tinatapos naman daw niya ang Post Mortem ni Patricia Cornwell. “Mahilig po kasi dun sa mga patayan eh,” pakli ng bida ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.
Napag-usapan nga namin ang drama series nilang ito ni Kate Valdez at marami na nga raw nakakarating sa kanya na magagandang feedbacks ng tandem nila ni Migo Adecer.
Agree nga kaming may chemistry sila ni Migo at natutuwa rin siya para kay Migo na pinupuri ang magaling niyang pag-arte.
Mahigit isang linggo na rin silang hindi nagti-taping kaya nami-miss na raw niya ang mga co-actors niya lalo na raw sina Snooky Serna, Cai Cortez at pati si direk Mark dela Cruz.
Matagal na rin pala nilang na-cancel ni Jak ang Holy week vacation nila sa Seoul, South Korea.
“Nanghihinayang na nga po kami kasi naipasa na ho namin yung visa application for Korea, kasi di po ba matagal yung processing nun? Tapos nung na-cancel namin, sakto namang na-approve. Sayang,” saad ni Barbie.
Ngayon, kahit nagluluto raw si Jak o nag-e-exercise ay magka-video silang dalawa, kaya pati raw siya ay nae-enganyo na ring mag-workout.
Nakaka-proud lang daw kasi magaling daw talagang magluto ang boyfriend at nakaka-proud ding nami-maintain nito ang maganda niyang katawan. “Matagal na po yan magaling magluto, turo ng lola niya.
Ang isa pang pinagkakaabalahan daw nila ngayon ay ang kanilang vlog na ngayon lang sila nagkaroon ng panahong ma-upload ang matagal na nilang nai-shoot. “Marami nga pong nalilito kasi akala nila recently lang namin ginawa yung vlog.
“Yung iba nagagalit bakit daw kami lumalabas. Bakit daw kami nagba-vlog pa eh naka-quarantine na, sinyut po namin yung vlog na yun January 1st.
“Ngayon lang na-edit kasi ngayon lang nagkaroon ng time, ngayon lang nai-upload,” sabi pa ni Barbie.
Liza nag-quarantine, nakasabay sa congress ang namatay sa covid
Ang latest na balitang nakuha namin, meron na namang isang nagtatrabaho sa Congress na pumanaw na dahil sa COVID-19.
Nabanggit sa amin ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino na bago pumutok ang balitang may nag-positive sa Congress, dumalo pa siya roon sa isang hearing.
Kuwento sa amin ni Liza sa radio program namin sa DZRH : “Last week nandun lang ako sa Congress. Yung katabi namin na room, positive dalawa ng COVID.
“Nandun sa katabing room ang mga resource persons. Wala naman dun sa room namin, pero we’re in the same area. So, sinendan kami ng text ng Congress para mag-ingat kami and mag-home quarantine na kasi baka may nakakuha sa amin.
“Hindi na muna talaga ko lumalabas kasi nakakatakot. Alam mo yung responsible na makakahawa ka.
“Ina-asses ko rin yung sarili na baka merong symptoms.”
Kaya naka-home quarantine na raw talaga siya at doon na lang daw siya nagtatrabaho na walang labasan.
- Latest