Tested positive for coronavirus na rin ang Prince of Monaco na si Prince Albert II.
Pero wala naman daw dapat ipag-alala dahil maayos ang kalagayan nito ayon sa report ng CNN.
Senior citizen na si Prince Albert II, 62 years old, at sinasabing ang mga mas edad ang mabilis kapitan ng nasabing virus na pumatay na ng marami sa China at Italy na halos wala nang mapaglibingan.
Work from the office na raw ang prinsipe ayon pa sa report ng CNN na isa pala sa pinakamayang royals sa buong mundo.
Fewer than 40,000 pala ang tao sa Monaco na meron siyam na kaso ng covid-19.
Ang France na kalapit na bansa ng Monaco ang isa rin sa matinding hinagupit ng virus na 7,500 na ang positive cases at 176 na namatay.
Nauna nang nagka-covid ang prime minister ng naturang bansa na si Serge Telle.
Samantala, isa pang Hollywood actor actor ang umaming may covid - si Daniel Dae Kim, na nagkapangalan sa Lost at Hawaii 5-0.
Sinabi niyang nahawa siya ng virus habang ginagawa ang isang medical drama sa New York.