^

PSN Showbiz

Grabe ang ‘house arrest’ Take It... sobrang nakaka-miss!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Grabe ang ‘house arrest’ Take It... sobrang nakaka-miss!

Miss na miss ko na team Obra ni Nanay, Salve. Sana naman sa Martes payagan na tayo kahit isang oras lang na magkasama-sama sa Take It... Per Minute! (Me Ganun). Iyon konting oras na 12 to 1 ng hapon, malaking bagay na para maalis ang stress natin sa mga nangyayaring ito.

Dito ko na-appreciate lalo iyon konting oras na nagkikita kita tayo Salve. Iyon wala naman kawawawaan ang usapan at biruan natin nila Cristy at Mr. Fu. Sila Tina, Japs, PJ at Richie. At bigla ko ring namiss sila Rexy at Karen.

Kaloka talaga itong house arrest na nangyari sa atin, ngayon ko nakita iyon halaga ng team Take It... Per Minute! (Me Ganun). Nasa sistema na pala natin iyon, hahanap-hanapin mo na talaga iyon mga kasama mo, at parte na talaga sila ng schedule mo.

Miss ko na kayong lahat, pati mga taga-Bambbi Fuentes, huh huh wala na akong beauty day , lalo na akong magmu-mukhang pangit na poor Asian, huh huh huh. (Naku Nay miss ka na rin namin. - Salve)

Park Bogum nag-umpisa sa wala

Masasabi ko talaga sa kapwa ko K drama fan na si Rose Garcia na from the bottom nga nag-start si Park Bogum bago siya naging big Korean star.

Dalawa sa napanood kong movie ang Hard Day at Girl in the Locker, bit role lang si Park Bogum ha.

At ganun na ang face niya noon pa, mukha naman walang binago. At siguro nga ganun sa Korea, talagang you start from the bottom para maging complete package ka, iyon training mo multi-faceted, from singing, dancing, acting at hosting. Tingnan mo si Park Bogum lahat nagagawa ngayon. Parang type ko na rin siya hah hah.

Binaliktad ang buhay...

Kaloka pala iyon tulog at walang labasan ng bahay ang buhat mo Salve.

Dumarating pa sa puntong kung minsan disoriented ka sa oras, iyon bang paggising mo sa umaga akala mo afternoon nap ka galing.

Wow, I can just imagine iyon mga kabataan na ang taas ng adrenaline sa katawan kung gaano ka-bore sa mga nangyayaring ito. Pero you cannot do anything dahil kailangan nating gawin para sa mas nakakarami.

Katuwa ngang isipin na pag ang dami mong ginagawa ang wish mo makatulog man lang kahit sandali, pero ngayon na wala ka namang ginagawa, sawang-sawa ka sa tulog.

Ngayon mo talaga tatanggapin na sa buhay natin lagi na lang meron kang hinahanap, wala talaga complete / self contentment, laging merong kulang.

Hay naku, talagang binaligtad as in pina-tumbling ni coronavirus ang buhay natin.

TAKE IT PER MINUTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with